Author's Note

193 12 2
                                    

Hindi pala talaga madaling magsulat kung wala kang inspirasyon sa pagsulat. Inabot ng 17 months, higit isang taon, bago ko natapos ang second story ko dahil nawala ang inspirasyon ko sa pagsusulat.

Ngunit magkagayon man, isinaisip ko ang isang quote na nabasa ko sa facebook:

"If you are waiting for an inspiration to write, then you are not a writer, you are a waiter".

Hindi ako waiter, malinaw yun sa akin.

Inisip ko na hindi lang naman nanggagaling sa isang tao ang motivation ng mga nagsusulat para makalikha ng isang piyesa tulad nito. Meron tayong mga kaibigan, katrabaho, pamilya na mapaghuhugutan. At dahil sa kanila, natapos ko ang second story ko (I Love You, B13).

Tunay na masakit at mahirap yung biglang mawalan ng isang inspirasyon sa gitna ng pagsusulat. Hindi mo alam kung paano magpapatuloy. Ngunit dahil sa mga sumosoporta at nagpapatuloy sa pagbabasa ng nasimulan ko, na-motivate akong tapusin ito alang alang sa kanila.

Mahirap tanggapin na wala na SYA.....ngunit hindi natatapos ang talento ko dahil nawala SYA.

At magpapatuloy ako sa pagsulat kahit wala KA na.



Marami ang nagrerequest ng sequel ng Bukas, Mamahalin Kita.... Bigyan nyo lang po ako ng konting panahon at sisimulan ko na ang second book nun.



Muli maraming salamat sa lahat ng readers.



I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon