Chapter 20 - Ang Cold

96 15 1
                                    

Dennis POV...


"THANK YOU VERY MUCH!!, Department of Computer Studies!, Wow!, That is a wonderful presentation!", dinig kong announce ng emcee matapos magpresent ng nasabing department.

Tulala akong nakatingin sa advisory class ko, ang STEM A1. Kita sa mga mata nila ang magkahalong kaba at excitement. Ang iba ay nagtotouch up pa din ng kanilang mga mukha, as if naman makikita sila ng audience eh shadow presentation nga kami. Ang iba naman ay nagkekwentuhan ng kung anu ano, marahil upang maibasan ang kabang nararamdaman.

Ngunit kahit na anong gawin kong paglingalinga ng aking paningin sa kabuuan ng aking section, sa loob loob ko ay hindi maitatangging isang tao lang ang gusto kong pagmasdan ngayon, si Jeff. Si Jeff na ngayon ay abalang kinakausap ni Howard. Kung hindi ko lang siguro estudyante ang dalawang ito, iisipin kong mag jowa sila. Sobrang caring itong si Howard kay Jeff. Wala naman akong naririnig sa ibang mga bata tungkol sa kung anong meron sa dalawang ito pero bakit parang iba ang pakiramdam ko. I don’t want to use the saying, it takes one to know one, dahil baka nagkakamali lang ako. Pero pakiramdam ko talaga meron.

Pinupunasan ni Howard ng panyo ang mukha ni Jeff na parang jowa nya ito. Ito namang si Jeff, nagpapaubaya naman. Pangiti ngiti pa. Maya-maya ay inalok naman ni Howard ito ng tubig. Ininom naman. Kulang nalang eh si Howard mismo ang magpainom dito.

"Ui, tulala ka dyan.", biglang singit ni Sam sa likod ko.

"Ah?, hindi kaya. Iniisip ko lang tong mga to sa performance nila."

"Mamaya na yan bro, panoorin mo muna kami. HUMSS ko na ang susunod."

"Ganun ba? Sige tara."

Pumwesto kami sa gilid ng stage kung saan nagpepresent ang mga performers. Kahit madilim ay kita sa mga mata ni Sam ang excitement para sa mga bata nya. Sino ba naman ang hindi, kulang nalang yata ay sya ang magturo sa mga ito.

"Relax ka lang sir. Parang maiihi ka dyan ah.", bati ko dito habang kumukuyakoy sa pagkakatayo namin.

"Hindi ko lang talaga mapigilin bro."

Tuluyan ng dumilim ang buong venue, hudyat na magsisimula na ang presentation ng HUMSS ni Sam.

BOOOMMMM!!!

Isang malakas na pagsabog ng isang firework ang entrahe ng mga ito na sinabayan ng malakas na tugtog. Nagpalakpakan ang mga manonood. Nakakabingi ang hiyawan. Maging ang mga college students ay nakisabay sa ingay ng lahat. Ako man ay nabigla sa ginawang ito ng section ni Sam, ibang klase talaga. Halatang pinaghandaan.

Matapos nito ay ang sunod sunod na pagpasok ng mga bata. Nagsasayaw ng masaya kasabay ng maingay at danceable na tugtog. Parang magkahalong cheerdancing at showgirl ang ginawa nila. talagang makapigil hininga ang presentation ng HUMSS. Magaling sumayaw ang lahat, walang itulak kabigin.

Iba iba ang mga pasabog nina Sam. May gumawa ng lifting at throwing, may stunts, may exhibition, at may fireworks talaga. Walang naging down time ang buong presentation ng mga bata. Buong presentation nila tuktok ang lahat sa panonood. Parang walang gustong may ma-miss na esksena. Hindi naman magkamayaw sa pagcheer itong kaibigan ko sa tabi. Talon ng talon, hiyaw ng hiyaw, cheer ng cheer, feeling winner na agad. Marahil ay tinutukan nga nya siguro talaga ang presentation ng mga ito. At hindi naman nabigo ang lahat. Talagang maganda at makapigil hininga ang ginawa nila.

Tumagal ng halos 15 minutes ang presentation nina Sam at sa buong 15 minutong iyon ay walang segundo na tumahimik ang buong venue. Nagtapos ang presentation sa isang 3-2-1 pyramid na naka power lift sa magkabilang side habang ang iba ay naka pose sa harap at likod.

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon