Dennis POV...
"Ang tahimik", ang walang gana kong sambit sa sarili habang tulala sa aking cubicle.
Sa kabila ng sabay sabay na ingay ng mga professors sa faculty namin pakiramdam ko ay nalulunod ako sa katahimikan. Napupuno ang table ko ng activity sheets ng mga bata na hindi ko alam kung kailan ko matatapos checkan. Hindi ko maitindihan kung bakit sa kabila ng pagmamadali ko sa lessons ay parang late pa din ako sa syllabus. At higit sa lahat, pakiramdam ko ay wala akong natatapos na gawain kahit na submit ako ng submit ng kung anu-ano.
It's been quite a while since Sam bugged me in my cubicle. Nalalapit na ang Acquaintance Party and all of the departments are getting very busy. Maging ang Senior High Department ay hindi nagpapahuli sa pagpapractice.
My class president, Valdez, informed me that they already come up with a presentation that is unlike most of the presentations they heard. Kahit hindi ko pa nakikita kung ano ang pinapractice nila, confident ako na magiging maayos ang presentation ng advisory ko. Infact, I'm planning to join them this afternoon sa practice nila.
Valdez told me about this covered court they were practicing for about a week now. Sabi kasi nito, gusto nila masurprise ang buong school sa ipapakita nila kaya gusto nila hangga't maaari ay walang makaalam ng ginagawa nila. And they are doing their practice after classes, halos 6pm na kung kailan madilim na ang paligid. Hindi ko alam kung ano ang pakulo ng mga batang ito pero gusto ko na itong makita kaya nagpasabi ako kay Valdez na pupuntahan ko sila doon mamaya.
"Zero text message.", muli kong bulong sa sarili.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Ilang araw ko nang hindi nararamdaman ang pagvibrate ng phone ko dahil I have a new text message. Hindi naman ako matext na tao. Infact, kung hindi lang ako itetext ni Sam ay hindi ko kukunin ang phone ko sa bulsa. I use my phone mostly kapag nakikinig lang ako ng music, kapag nasa biyahe o di naman kaya ay naglalakad mag-isa pauwi.
Naging maingay lang ang phone ko when I exchanged number with "kulit". Wala yatang ginawa ang taong yun kundi mag-gm buong araw, umaga hanggang gabi.
Nakakapagtaka lang dahil nitong mga nakaraang araw ay parang wala akong natatanggap na message mula dito. Dati rati, sya ang pumupuno ng inbox ko ng mga walang katuturang mga messages samantalang ngayon ay walang text kahit isa.
"May nangyari kaya sa taong yun?".
Last time, I entertained his text messages. Gusto ko din kasing makasigurado kung kilala nga ako ni kulit in person dahil medyo kinabahan ako dun sa last gm nya patungkol sa uwian. Akala ko ay nandun din sya sa hallway kung nasan ako ng mga oras na yun at tinitingnan nya lang ako mula sa malayo. Pero base sa exchange of messages namin nung gabing yun, nasigurado kong wala nga sya dun.
"What am I thinking. Feeling ko ba nasa iisang school kami?".
Kulit only texted me for quite sometime after that night pero tinigilan ko na syang replyan. Mas mabuti na siguro yung ganito. Putulin na ang dapat putulin. I don't want to get involve in a situation na maglalagay sa akin sa delikadong sitwasyon.
After several text messages, unreplied, ay hindi na din nagtext itong si kulit. Siguro ay napagod na din dahil walang nagrereply sa kanya. At first, inisip ko na baka nag give up na nga ito sa akin. Narealize na nya siguro na wala naman syang mahihita sa akin kaya huminto na ito sa pag ggm.
Pero bakit parang there is a part of me na naghihintay sa text nya ngayon. Seriously, his gm are so irrelevant. Hindi ko alam kung ano ang pinadadaanan ng taong ito at kung anu-ano nalang ang tintext pero this past few days, hinihintay hintay ko ang mga gm nya.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...