Jeff POV...
There go the answers to my questions. Honestly, for a moment I thought I will have a chance kahit konti lang. Noon kasi akala ko maling akala lang. That maybe kahit konti ay tama ako sa kutob ko and one way or another I can eventually prove something that will link the two of them.
But I guess not.
I was hoping that sir will give me a chance to become closer. Mukha kasing hindi sapat yung mga pm ko sa kanya. I am happy naman na malaman na binabasa pala nya yung mga yun at hindi puro seen lang. Maybe part of me is hoping that if I open myself to him, so will he.
Pero mukhang mali nga ako.
"He never had and will never have a relationship with a student.", nilinaw nya yun at kung ano man ang rason whatsoever, hindi ko na alam. Siguro nga dahil sa teacher si sir at student nya ako kaya talagang may wall sa pagitan namin.
Pero sa totoo lang, mas humanga ako kay sir nang sabihin nyang handa nyang iwan ang lahat kung makikita nya ang magbibigay ng direksyon sa buhay nya ngayon. That is very admiring and unbelievable. Sobrang lakas ng loob ang meron si sir para masabi nya yun.
Matapos nyang itanong ang last question nya sa akin, pakiramdam ko natuldukan na ang mga gusto ko pa sanang mangyari.
"kung hindi na kayo talaga magkikita....ano ang gusto mong sabihin sa kanya?", message ng pamamaalam. An assumption na talagang hindi na kami magkikita pa. Sa mga banat na tanong ni sir, feeling ko ay talagang gusto na nyang kalimutan ko si Mr.Accountant.
Ang problema...
Paano ko malilimutan ang isang tao na nakikita ko kanya araw araw.
Marahil si sir Den sya na Math teacher ko sa school. Nagtuturo sa araw araw na may kasungitan sa classroom. Nagsasalita ng buong confident at talagang pakikinggan mo sa ang bawat lecture nya.
Ngunit sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, si Mr.Accountant ang nakikita ko, ang nararamdaman ko. Ang nag-iisang lalaking nagparamdam sa akin ng ganito.
Ilang beses kong tinangka na tanungin si sir tungkol sa kutob ko ngunit paano. Paano ko itatanong sa kanya ang mga iyon na hindi nya ako pagtatawanan, tatalikuran, susungitan. At sino namang teacher ang basta nalang aamin na, "ah ikaw ba yung naka sex ko last summer sa may Eurotel? Musta ka na? tagal na ah."
Ayoko ng isipin pa.
My heart leapt when sir suggested the game. Tatlong katanungan. Akala ko pagkakataon ko ng matanong kay sir ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi pa din pala. Hindi man intensyon ni sir na ilayo ako sa kanya, hindi naman ako manhid.
Siguro nga ay oras na para simulan kong limutin si Mr.Accountant. Baka kasi talagang hanggang dun nalang ako para sa kanya. Na isa lang ako sa napakarami na nyang naka sex.
Den POV...
Pinilit kong sagutin ng buong puso ang lahat ng tanong ni Jeff at hindi ko pinagsisisihan yun. Tunay na namangha ako sa batang yun, kung paano sya mag-isip. Hindi basta basta ang mga tanong nya sa akin at nakikita ko sa mga mata nya ang kagustuhang malaman ang niloob ko.
Naging totoo ako kay Jeff. Sa kanya ko lang nailabas yung mga bagay na kahit kay Sam ay hindi ko nagawang sabihin. Ang tungkol sa pangarap ko, mga gusto kong gawin, at ang kalungkutan ko sa kung nasaan ako ngayon.
Hindi ko masabing hindi ako masaya sa trabaho ngunit hindi ko din naman masabing malungkot ako dito. Sadya nga lang na may mga bagay akong nais sanang gawin ngunit hindi ko magawa. Mga pangarap na matagal ko ng inaasam asam ngunit hindi ko maaabot. At sa tuwing ikinikwento ko ito sa mga co-teachers ko, iisa lang sila ng mga sinasabi.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...