Howard POV...
"Pwede ka mamayang gabi?"
"Taga san ka ?"
"Alabang."
"Sige."
"8pm. Sogo Jr. ok lang sayo?"
"Ok lang sa akin."
"Hm?"
"P500 massage. The rest, depende."
"Sige, deal. Number mo?"
"0917*******."
"Thanks. Tetext ko sayo room number. Dun na tayo magkita sa loob para discrete lang. ok ba?"
"Ok, see you."
***
"Oh nak, aalis ka? Gabi na ah.", tanong ni mama sa akin nung makita nyang nagbibihis ako.
"May pupuntahan lang po ako sandali. May extra po kasi eh. Sayang naman.", tugon ko ng hindi ito tinitingnan.
"Nak....", lumapit si mama sa aking likuran. "...pasensya ka na ah kung...."
"Ma..", putol ko dito. "..wag mo ng isipin yun. Ako ang may gustong tumigil sa pag-aaral.", pagbibigay diin ko. "At saka, hindi naman to permanente. Nag-iipon lang ako. Pag ok na, babalik ako sa school. Pangako ko diba, magtatapos ako ng pag-aaral.
***
Sumakay ako ng jeep na lutang ang pag-iisip. Pinipigilan kong huwag maiyak kanina habang kausap si mama. Wala akong sinisisi sa nangyari. Ako ang nagpumilit na tumigil kahit naman may scholarship pa talaga ako.
Hindi na kaya ng konsensya ko ang mga pinapagawa sa akin ni Robin. Alam kong malaki ang utang na loob ko sa kanya pero sobra na ito.
Mas gugustuhin kong tumigil sa pag-aaral at hindi na makita pa si Jeff kung katiwasayan naman ng isip ang magiging kapalit nun. Marahil hindi pa ito ang panahon namin ni Jeff. Wala din naman kasi akong maipagmamalaki pa sa kanya kaya wala akong mapaghugutan ng lakas ng loob.
Hindi man ngayon pero pinangako ko kay mama at sa sarili ko nag magtatapos ako. Siguro mahuhuli lang ng kaunti.
Sino ba ang tatanggap sa isang SHS student na tulad ko bilang isang empleyado. Wala akong pinagkaiba sa mga high school students. Hindi ako pwede sa mga fastfood. Kaya anong choice ko kundi ang bumalik sa dati kong trabaho. Pasalamat nalang din siguro ako at biniyayaan ako ng magandang pangagatawan at maayos na mukha.
Hindi ako nahirapang maghanap ulit ng matatrabaho. Ang totoo nga nyan, marami pa din ang naghihintay. Pinili ko lang talagang itigil iyon ng magsimula akong mag-aral at makilala ng personal si Jeff.
Akala ko nun dirediretso na yun, hindi pala.
Nang i-activate ko ulit ang account ko, dun ko nakita ang mga messages ng mga dati kong customers. Lahat sila nagtatanong kung bakit ako biglang nawala. Ako daw ang gusto nilang masahista. Iba daw kasi ako kung humagod eh.
Magbabayad naman daw sila kung magkano ang asking price ko basta lang daw i-massage ko sila ulit.
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa dahil nandyan pa din sila. Pero sa sitwasyon ko ngayon, siguro mas dapat akong magpasalamat.
Hindi ko man masikmura minsan ang mga kailangan ko gawin, sigurado namang may pera akong maiuuwi at maitatago para sa kay mama.
Mga 20 minutes ay nasa Sogo Alabang na ako.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...