Chapter 4 - Escape

172 19 3
                                    


Dennis POV...

"Guess who just came into my class this morning?", pahula kong tanong kay Sam.

"Hmmmm...si Ledesma?",

"Mismo!!. At alam mo ba na sya yung student na nakita nating nakaupo dun sa may puno ng acacia na tambayan natin tuwing meryenda break".

"Ah sya pala yun.", wika nito na may misteryosong ngiti. "Kung ganun, alam na kung sino ang pagbabantaan natin para hindi na tayo unahan pa ulit.",

"Gago, sira ka talaga. Hindi yun ang ibig kong sabihin.",

"Hahahaha, biro lang ito naman oh.", tawang tugon nito sa reaksyon ko. "Oh di ok na. nandyan na yung student. Wala ka ng problema.

"Yup, sana nga."

"Oh, bakit parang meron?", dudang tanong nito sa akin.

"Alam mo kasi, nung isang araw na nauna kang umuwi, unang beses kong nakasalubong si Ledesma dun sa dinadaanan natin palabas ng University. Mag-isa din syang naglalakad at parang lutang ang isip.", kwento ko kay Sam. "at first hindi ko sya pinansin pero kahapon lang nung papunta naman ako sa tambayan natin, nandun sya ulit, mag-isa."

"...dun ko sya lubos na natitigan. Nagkausap pa nga kami ih. Parang sakitin yung student na yun. Bagsak ang katawan at medyo malalim ang mga mata."

"Baka yun ang reason kung bakit lately lang sya nakapasok. Baka may health condition yung si Ledesma.", segunda ni Sam.

"Baka nga. And maybe that's the reason also kung bakit nandito yung Daddy nya last time. Para i-inform ang Dean about his condition."

"Siguro nga."

Beep...beep...beep... vibrate ng phone ko sa bulsa.

"Let me guess, si hookup nanaman yan ano?", tanong ni Sam.

"Shhhh, pwede ba hinaan mo yang boses mo at baka may makarinig.", kastigo ko dito.

"Sorry....so tell me, sya ulit yan ano."

Hindi na ako hinintay pang makasagot ni Sam at sumegunda na agad ng salita.

"Diba ang sabi ko sayo i-block mo na yan. Bakit ba ang kulit mo?".

"It's just his usual "meryenda ka na" gm lang naman. There is nothing harm on this.", tugon ko. "and besides, hindi naman to tumatawag ih. Hayaan nalang natin to. Pasasaan ba at mapapagod din ito sa kakatext."

Isang malalim na buntong hininga lang ang itinugon sa akin ni Sam at hindi na nagsalita. Tumalikod nalang ito at bumalik sa kanyang cubicle.

Muli ay binasa ko ang text nitong si "kulit", as how I named him on my cellphone. Hindi ko na din naman matandaan pa ang name nito like the usual. Ang alam lang ni Sam ay ang mga usual "greetings" na text nitong si Sam sa akin. Pero hindi ko mashare sa kanya ang lahat ng text nito.

I found his gm to be quite intriguing and entertaining at the same time, kung gm nga ang mga ito. Nagsisimula na kasing humaba ang thread nito sa phone ko. Dati puro "good morning", "good afternoon" and "meryenda ka na" ang laman. Recently, nagsisimula na itong magkwento ng pakonti konti.

Like the last time, nagtext sya tungkol sa kanyang newly found favorite na meryenda daw sa school. They called it "choco choco" daw. A synthetic and cheap version ng magnolia chocolait na binebenta sa school nila na ang sarap sarap daw lalo na kapag malamig.

Also, na-gm din nya yung mga bago nyang classmates sa classroom. Kung gaano sila kaingay at kagulo kapag wala daw ang instructor nila. Maging yung walkway na nadiscover nya recently lang na gustong gustong nyang daanan pag pauwi na sya dahil hindi daw yun madalas dinadaanan ng ibang mga students .

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon