Dennis POV...
Hindi na nga naging boring pa ang paglalakad namin nina Ledesmat at Locsin dahil napuno na ito ng kwentuhan at kulitan. Tawa ng tawa itong si Locsin sa sarili nitong mga jokes na mabentang mabenta namin dito kay Ledesma. Minsan ay napapatawa din ako sa mga banat nito ngunit karamihan ay narinig ko na din dati kaya wala ng masyadong dating. Mabuti nalang din at hindi naging mainit ang hapon na iyon at hindi din nagbadya ang ulan kung hindi ay siguradong basa kami.
Kahit magaslaw at talagang wagas kung makapagbiro itong si Locsin ay nakatutuwa din dahil hindi nito inaaalis ang respeto nito sa akin bilang instructor nila. Marunong syang bumanat ng biro sa akin sa paraang hindi nakakabastos. Maging ang mga banat nito kay Ledesma ay maayos at talagang nakakatawa. Wala namang naging ganti itong si Ledesma sa kaibigan bagkus ay hinahayaan na lamang nya ito sa ginagawang pagbibiro.
Lumipas pa yata ang halos 20 minutes ng aming paglalakad bago namin narating ang arko ng Peak Homes. Sa totoo lang ay hindi ko ramdam ang pagod at ang pawis sa aking likod sa haba ng aming nilakad dahil naging masaya ito.
"Ito na ang mga tricycle oh, hindi pa ba tayo sasakay?", ang pabiro kong tanong sa dalawa.
"Sir naman, nilakad na natin hanggang dito tsaka pa ba tayo sasakay?", ang seryosong tugon ni Ledesma. Ngunit agad gumuhit ang simangot sa mukha nito ng makita ang pagtatagpo ng mga tingin namin ni Locsin senyales na nauwanan nitong biro lamang ang aking tanong.
"Kainis kayo ni sir, Ward!!!", pagmamaktol nito.
"Hahahahaha... sineryoso mo talaga ang biro ni sir anoh!!"
Ngunit hindi sya nito pinansin sa halip ay padabog na naglakad pauna. Agad naman itong sinundan ni Locsin na tatawa-tawa. Pilit ko namang itinago ang aking pagtawa sa naging reaksyon nito. Hinayaan ko nalang muna si Locsin at sundan ang kaibigan. Mamaya nalang ako babawi kapag nakarating na kami sa court at humupa na ng konti ang tampo nito.
Ilang kanto pa at narating na namin ang court ng Peakhome. Mula sa kantong aming nilikuan ay bahagyang maririnig na ang ingay na nanggagaling sa klase ko at sa gitna nilang lahat ay si Valdez, ang president nila.
Natamaan kami ng paningin ni Valdez kaya kami ay kinawayan nito. Nakita kong nasa loob na ng covered court sina Locsin at Ledesma at naglalapag na ng gamit. Halatang inaamo ni Locsin ang kaibigan samantalang si Ledesma naman ay patuloy lamang sa pag-aayos ng gym bag niya at hindi pinapansin ang kaibigan. Ang sentimental naman nitong si Ledesma, sa isip-isip ko lang. Hindi na mabiro samantalang buong paglalakad namin ay puro alaska ang inabot nito kay Locsin.
"Baka naman sa akin sya na offend..ala", bulong na pag-aalala ko sa sarili.
Pagpasok ko sa court ay bumati ang ilang mga students ko sa akin. Sinenyasan ko lamang ang mga ito na ituloy ang kanilang mga ginagawa at huwag akong pansinin. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nung dalawa. Mukhang hindi pa din ito nagpapansinan. Gusto ko na sanang sumingit sa usapan nila ngunit inisip kong magpahupa nalang muna ng tampo ng bata at maya maya ko nalang ito babatiin.
Paglapag ko ng aking bag ay nilibot ko ng tingin ang buong court. Nasa loob ito ng isang maayos na subdivision at may maliit na opisina ng home owners association sa may bandang gilid. Medyo madilim dilim na ang paligid ng kami ay dumating kaya bukas na ang ilaw ng covered court. Marahil ay nakagawa ng arrangement si Valdez sa home owners para magamit nila itong court kahit sa ganitong mga oras.
"Sir, mabuti po at nakapunta kayo..", bungad na bati sa akin ni Valdez ng makalapit ito sa akin.
"Anong oras pa kayo nandito?", tanong ko.
"After ng klase po namin ay nagpuntahan na po agad kami dito. Medyo nagpapalate din po kasi kami para madilim dilim na kapag nag-umpisa na ang practice."
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romans"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...