Chapter 24 - The Swing

88 13 1
                                    

Howard POV...


"Bakit ginagawa mo na yan? May bukas pa naman ah.", tanong ko kay Jeff habang wala itong tigil sa pagsagot ng assignment na kabibigay lang ni Mr. Toledo.

"Ha?, wala. Wala lang akong magawa."

"Hmm ok."

"Gusto mong gumala mamaya?", yaya ko dito.

"Ha? Ano?"

"Sabi ko kung gusto mong gumala mamaya. Mukha namang wala ka ng gagawin sa inyo pag-uwi mo dahil tinatapos mo na ngayon."

"Sorry Ward I can't. May lakad ako."

"Lakad? Talaga. Saan?"

"Pasensya na Ward. Hindi ko pwedeng sabihin."

"Ganun, naglilihim ka na ngayon sa akin ah."

"May ganun? Drama ah."

"Hehehe, hindi naman. Nagpapacute lang."

"Cute ka naman na Ward. Hindi mo na kailangan pang gawin yan."

"Thanks hahaha.... Hmm, hindi ba ako pwedeng sumama sa lakad mo mamaya?"

"Wag na. Hindi mo magugustuhan dun. Besides baka malate ako ng uwi mamaya. Mapagalitan ka pa pagsumama ka."

"Late? Ikaw? Pinayagan ka ng mommy at daddy mo?"

"Actually yes, they did."

"Talaga?..."

"Yup. Kaya tuloy ang lakad ko mamaya."

"Ganun...", pagsuko ko sa pangungulit. "Hindi talaga ako pwedeng sumama?", huling banat.

"Howard Locsin."

"Ok fine. Hindi na. Ikaw nalang.", taas kamay. "Kaya ba tinatapos mo na yang mga assignments natin?"

"Mismo."

"Bakit parang ang dating sa akin eh matatagalan ka dun sa pupuntahan mo. Kahit naman siguro bukas mo na gawin yan pwede naman. Bakit ngayon pa."

"Ward, sabihin nalang natin na ayoko ko nang may alalahanin pa sa weekends kaya tinatapos ko na."

"Ok. ikaw ang masusunod."

"Wait,"

"What?"

"Parang may mali sa problem number 10."

"Aba, wag ako ang tanungin mo. Ni hindi ko pa nga binubuklat yung handouts na pinamigay ni sir kanina eh."

"Tanungin ko lang si sir. Wait lang ah."

"Sama ako."

"Sige tara."

"Hey, Ward, Jeff, Musta kayong dalawa.", singit ni Robin.

"Ok naman kami. Ikaw ba.", tanong ko.

"Same old same old. Nothing's new. San ang lakad nyo?"

"May itatanong si Jeff kay sir Toledo. May mali daw sa assignment."

"Assignment kaagad? May weekends naman."

"Ewan ko ba dito."

"Tingin ko may luto ng banana que or turon dun sa labas. Merienda nalang tayo."

"You know what, that is a great idea.", biglang sabi ni Jeff. "Gusto nyo mauna na kayo dun. Susunod nalang ako pagnatanong ko na to kay sir."

"Hindi. Punta na muna tayo kay sir.", pagtutol ko.

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon