Chapter 39 - No Maybe's (Finale)

201 16 12
                                    

Jeff POV...

"Cleared ka na ba sa lahat? sino nalang kulang mo", tanong ko kay Robin ng makasalubong namin ito sa third floor na medyo malapad ang ngiti.

"Ano ka ba, ako pa ba? Syempre kompleto na ko. Isang pirma nalang naman ang kailangan ko today para complete na.", sagot nito.

"Eh di nakuha mo na din mga class cards mo.", tanong naman ni Ward.

"Oo naman.....", pagmamayabang nito. "... ito oh.", pakita nya.

"Wow naman, wala ka talagang kupas. Puro 1 yan ah.", bilib ko sa mga grades ni Robin.

"Asus, if I know ginamitan mo ng magic yang mga yan.", alaska ni Ward.

"Hoy! Excuse me Ward. Nag-aaral ako ng mabuti noh."

"At ako hindi nag-aaral?", sabat naman nito.

"Abah, wala akong sinabing ganyan. Sayo nanggaling yan hahaha."

"Ay naku tumigil na nga kayong dalawa dyan. Baka magkapikunan pa kayo.", awat ko. "...meron pa tayong dapat papirmahan Ward. Tara na."

"Hindi pa pala kayo tapos."

"Konti nalang naman. Si Dr. Serrano, wala pa. Hindi pa namin nakikita. Si Prof. Manzon, mahaba pa ang pila ng mga students dun sa table nya. Mamaya nalang yun. mahirap sumingit. At si Prof. Toledo, hindi pa din yata nagbibigay.", kwento ni Ward.

"Eh di kung ganun, kumain na muna tayo. Dun tayo ulit sa lagi nating kinakainan. Parang huling lunch natin together .......para sa sem na to."

"Grabe naman tong si Robin, parang hindi na tayo magkikita.", komento ko. "Sembreak lang po tayo, hindi graduation."

"Hahaha, sige na. Kain nalang tayo. Basta lilibre nyo ko ah.", banat ni Ward.

"Dyan ka magaling!!", sabay naming tangan ni Robin dito.

"Hahahaha."


***


"Hindi ko malilimutan nung unang beses kitang nakita dito Jeff.", sabi ni Ward.

"Ako?, pinapanood mo ako dito?"

"Napakatahimik mo nun. Hindi ka namamansin. Lagi ka lang tulala at hawak yung phone mo. Text ka ng text kung kani kanino, puro gm naman."

"Ay grabe sya sa akin oh. Syempre, gusto kong maalala kung sinu sino ang nasa phonebook ko nun. Wala kasing mga names ih. Hindi ko alam kung bakit."

"Hahaha, joke lang. napakadefensive mo naman. Syempre, thankful din naman ako at nag ggm ka nun kasi kung hindi, eh di hindi ko nalaman na ok ka pa pala. Tagal din kaya kitang hinanap nun."

"Ito naman, tapos na yun. At nandito ka na, kasama na kita. Magkakasama na tayo. Dapat happy happy nalang diba?'

"Oo nga naman, tapos na yun.", singit ni Robin. "..at habang stalk ka ng stalk dyan kay Jeff, ako naman ang stalk ng stalk sayo hahahaha"

"Hahaha, ngayon sino naman ang hindi nagbabalik tanaw sa aten ha aber?!", alaska ni Ward kay Robin.

"Oo nga naman Jeff, hindi ba sumagi sa isip mo kahit konti na bigyan ng chance itong si Ward? I mean, ganun ba talaga ka tindi ang paghanga mo dyan sa mystery someone mo para hindi mo magawang tapunan ng tingin itong si Ward?"

"Ay grabe naman sya sa akin. Para naman akong pulubi nyan Robin. Hinayaan na nga ako ni Jeff na manligaw sa kanya eh, sapat na yun. Wag na nating ipilit pa yan baka naman lalong mapurnada pa tong mga da moves ko eh."

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon