Howard Locsin POV...
"Babe sabay tayo mamaya ah. Then merienda na din tayo.", malambing na pagyaya ni Andrei sa akin.
"Oo ba basta ikaw, nanginginig pa.", tugon ko.
"Sira ulo ka talaga. Sige na, tawag nalang ulit ako later. May teacher na kami. See you later. I love you."
"Loko ka talaga, sige na...."
Ganun madalas ang usapan namin sa phone ni Andrei bago kami pumasok ng senior high. We go to the same high school in Muntinlupa. Hindi kami magkaklase but the auto universe had done its play on us para magkakilala kami.
I am a closet gay man in the class. I don't perform that well pero hindi naman ako failing students. I just prefer not to gather that much attention during or even after the class. Not that I don't like my classmates but hindi lang ako sanay pa siguro sa kung ano ang meron sa isang public high school. I started studying in a private school until my dad had been one of the employees that we're laid off from his job due to recession. Mabuti nalang at ang kuya ko ay graduate na. kaso hindi din naman nakatulong para makapagtapos ako sa private school dahil nag-asawa agad.
I was very reluctant to be transferred on a public school dahil si kuya ay napagtapos nila daddy sa private school hanggang college. At nagawang igapang yun ni daddy. Bakit pagdating sa akin, ok lang na magpublic school ako.
Pilit ko mang ipagdukdukan ang sarili ko sa private school, si mommy na ang umusap sa akin one night before I go to bed. In our family, my kuya is the eye of everyone. Sya ang magaling, sya ang matalino, sya ang susunod sa mga yapak ni daddy. At ako ang dakilang tagahanga ni kuya buong buhay nya. Kaya parang naging napakalaking disappointment ni daddy si kuya ng magsabi ito na nabuntis nya ang girlfriend nya.
I still remember how furious daddy was nung magsabi si kuya. Kulang nalang ay bugbugin nya ito husto kung hindi lang pumagitna si mommy sa kanila. Pinalayas si kuya that very night and since then, hindi na naging ganun ka appoachable si daddy. Mukhang dinamdam nito ng husto ang ginagawa ni kuya.
Maging ako ay masama ang loob sa kanya. Sya ang idol ko, sya ang hero ko, sya ang sinusundan ko sa lahat ng ginagawa ko, sya ang pinagmamalaki kong kuya. Pero lahat yun nagbago nung gabing iniwan nya kami. Nung iniwan nya ako. Alam ko namang sya ang favorite ni daddy. Si mommy lang ang kakampi palagi sa bahay.
Hindi naman ako pinagbubuhatan ng kamay ni daddy. Dad never do that to any of us pero iba ang pagtingin nya kay kuya. Laging sya ang priority. Ako, naghihintay lang kung kelan magkakaroon ng spare bago mabigyan.
When mom talked to me that night about dad losing his job, parang alam ko na ang susunod na mangyayari. Tutol man ako sa decision ni dad, kinumbinsi nalang ako ni mommy to accept it kesa naman huminto ako sa pag-aaral. Sabi ko nga, huling taon ko nanaman sa junior high bakit hindi pa ako pagsumikapang patapusin dun sa private. Kaso talagang buo na daw ang decision ni dad na ipublic school na ako tutal magkakaroon pa din naman ng senior high. I spent my last junior year in a public school in Muntinlupa.
Matapos akong ipakilala ng adviser namin and told everyone that I came from a private school, parang pinangilagan ako ng lahat. Mas pinalala nila ang feeling of isolation ko sa sarili. Hindi ko na nga maramdamang welcome ako sa bahay, pati ba naman dito sa school ganun pa din. My first three months in grade 10 are very difficult. Hindi ko mahintay na magtapos na ng junior year ko para kahit papano ay pwede na akong lumipat ng ibang school.
One thing I also hate about my kuya is that he knows my secret. Alam ni kuya ang preference ko at hindi nya ako pinagalitan dun. Sinuportahan nya ang nararamdaman ko at walang sawa nya akong pinapayuhan sa mga do's and don't's ng pagiging ganito. Sa kanya ko unang naramadaman ang pagtanggap. Kaya nung umalis sya ay parang naiwan ako ng todo sa ere.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...