Chapter 28 - Kaya Mo Ba Syang Kalimutan?

93 14 1
                                    

Jeff POV...

Hindi ko alam kung paano babasagin ang katahimikan sa pagitan namin ni sir Den. Honest mistake naman kasi talaga ang nagawa ko. Ilang beses sinabi sa akin ni dad ang tungkol sa gauge ng gasolina ngunit dahil sa pagtutok ko sa mga details ng biyahe at destination namin, nawaglit iyon sa isip ko. Hindi ko din naman kasi akalaing magiging big deal yun, until now.

10 minuto palang ang nakakalipas ng umalis sina Howard at Andrei para humanap ng gas na mabibilhan. Tumirik kami sa isang malawak na palayan kung saan wala halos nadaan na mga sasakyan. Simula ng tumirik kami ay mabibilang ko sa mga kamay ko ang mga jeep palang na lumagpas sa amin at lahat sila ay puno ng pasahero. Maswerte nalang talaga sina Ward na may dumaang tricycle at napakiusapan nilang dalhin sila sa pinakamalapit na gasolinahan.

Noong una ay si sir Den dapat ang aalis para bumili ngunit maiiwan naman kami at ang kotse na walang bantay. Kaya nagprisinta na si Ward na bumili kasama si Andrei. Hindi ako makaimik sa naging plano nila dahil ako ang maiiwan kasama si sir Den. Ok na sana kami matapos nung nangyari last Saturday eh pagkatapos ganito naman ang nangyari. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makikipagkwentuhan kay sir.

10 minuto palang ng makaalis sina Ward lulan ng tricycle ngunit pakiramdam ko isang oras na. Parehas kami ngayong nakasandal sa hood ng sasakyan. Ramdam ko pa ang init ng hood dulot ng mahaba haba naming biyahe. Halos magkatabi lang kami ni sir sa pagkakatayo pero pakiramdam ko ay ang layo nya sa akin. Malayo ang tingin ni sir at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Hindi sya nagsasalita ngunit malalalim ang mga binibitawan nitong hininga.

"sir..... ", buong lakas loob kong sabi dito. ".....pasensya na po talaga. Hindi ko naman po sinasadyang hindi mabanggit sa inyo ang kondisyon ng kotse."

"Wag mo ng isipin yun.", matipid na tugon nito habang nakatingin pa din sa malayo.

Muli ay namayani sa amin ang katahimikan. Walang nagsasalita. Halos madidinig mo ang bawat paghinga ni sir. Para akong masisiraan ng ulo sa ayos namin ni sir sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung yamot si sir sa akin o ano dahil hindi nya ako kinakausap. Ilang beses kong tinangka na magsalita upang makapagsimula ng pag-uusapan ngunit sa tuwing sisimulan ko ay parang tumatapat iyon sa bawat mabigat na buntong hininga ni sir. Nauudlot tuloy.

Ilang sandali pa at pinili ko nalang din na manahimik at wag nang magsalita pa. Mas mabuti siguro kong manahimik nalang ako dito at hintayin ang pagbabalik ni Ward at Andrei. Sa aking pagsuko ay ibinaling ko nalang din ang aking atensyon sa malawak na palayan na pumapalibot sa amin.

"Mabuti naman at natahimik ka na.", biglang sabi ni sir Den.

"Po? "

"Hindi kailangan ng isang psychologist para mabasa ang mga kilos mo kanina pa."

"Sorry sir. Halata po ba? "

"Sabi ko naman sayo. Wag mo ng isipin yung nangyari. Naubusan tayo ng gas, tapos ang usapan. Ano solusyon, bumili ng gas. Ganun lang yun.", direderetso nitong sambit.

"Hindi po kayo galit sa akin."

"Wala din namang maidudulot na maganda kung may magagalit diba? Pasalamat nalang tayo dahil dito tayo sa bandang sakahan tumirik at hindi dun sa mabundok. Kundi, mas mahihirapan tayo. Maswerte na din at may dumaang tricycle para kina Ward. Umasa nalang tayo na makabalik agad sila para hindi tayo hanapin nina sir Sam mo."

"Sir, sinusubukan ko din naman pong tawagan sina Robin kanina pa kaso wala pong signal eh."

"Jeff, nasa gitna tayo ng kabukiran sa isang malayong probinsya. Sa tingin mo ba may signal pa ang cellphone dito? "

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon