Chapter 3 - Vacant Seat

179 16 0
                                    

Dennis POV...

"Ibang klase ang mga HUMSS ko Den, sobrang masalita. Isang question lang ang ni-raise ko nagkakagulo na sila sa pagsagot. Ang STEM mo ba kumusta naman?", hyper na kwento ni Sam habang nakatambay kami sa cubicle ko.

"Ah?".

"Huy, ano bang iniisip mo dyan kanina mo pa tinititigan yang spreadsheet mo."

"My attention is called upon this past few days by many faculties about this student. Until now daw kasi ay hindi pa ito napasok.", tugon ko kay Sam na nakakunot ang noo.

"Sino ba yang student na yan.?".

"Ito oh, Jefferson Ledesma. B13."

"Wala bang pasabi galing sa mga classmates nya? Hindi ba nila yan kilala?".

"Almost everyday akong natatanong sa buong klase about this kid pero hindi nila alam. Wala ding nakakakilala sa kanya."

"Mabuti pa siguro ay i-report mo na kay Dean yan para matawagan. Kasi magpapasa na tayo ng updated list of students next week. Kailangan na yan sa office."

"Oo nga ih, yan pa din ang iniisip ko. Hindi pa din kasi tapos ang mga late enrolees. For sure may dadagdag pa dyan. Ang hirap naman magpasa ng updated list tapos magrerevise din pala."

"Kalimutan mo na muna yan Den. Tara meryenda tayo. May masarap na tindahan ng turon dun sa may labas ng gate.", yakag ni Sam.

Matapos kong iligpit ang ilang mga libro at papers ay sinamahan ko si Sam para magmeryenda sa labas. May ilang mga estudyante kaming nakakasabay sa paglalakad along the corridor at marami sa kanila ang napapatingin.

Hindi pa din talaga nawawala ang karisma naming dalawa ni Sam sa tuwing magkasama kami. May ilang pasimpleng tumitingin at umiiwas pag nasalubong namin sila. Yung iba naman ay ngumingiti tapos ay naghahagikgikan pag lampas namin.

May mga naunang estudyante na ang nasa karinderya pagdating namin doon. Marami na ding order ng turon si ate mula sa kanila ngunit dahil instructors kami, agad kaming tinanong ni ate kung anong order namin at inuna.

Habang nakatayo at naghihintay ay umorder si Sam ng dalawang Mountain Dew. Hindi pa din nawawala ang mga estudyanteng nagpapansin sa amin. Yung iba ay nananadya pa talagang sa harap namin dumadaan at nagkekwentuhan ng malakas. Yung iba naman ay pilit na initinatago ng mga titig sa amin at umiiwas sa tuwing kami naman ang napapatingin sa kanila.

Todo iwas naman ako sa mga estudyante samantalang itong isa ay parang enjoy na enjoy sa nakukuhang atensyon.

"Feeling mo talaga artista ka noh.", bulong na ngiti ko kay Sam.

"Syempre naman, kailangan sulitin ang mga ganitong pagkakataon hahaha."

"Hay naku, kung alam lang nila....."

"KUNG alam lang nila,", pagputol nito sa akin while stressing the word "KUNG", "kaya kung pwede tumahimik ka nalang dyan hahaha."

"Mga sir ito na po ang turon ninyo. Salamat po", tawag sa amin ni ate habang abot-abot ang order naming turon. Matapos naming bayaran ang mga ito ay naglakad na kami pabalik sa University.

"Dun tayo ulit kumain sa dati?", yaya ko kay Sam.

"Oo ba."

One thing I love about this University are the acacia trees na nakakalat sa iba't ibang lugar sa Univeristy grounds na pwedeng tambayan kapag walang klase. Merong isang puno na nandun sa bandang dulo ng University na lagi naming tinatambayan ni Sam. Hindi kasi ito madalas puntahan ng mga students dahil nasa dulo kaya dun kami madalas.

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon