Chapter 16 - The Reason I Wake Up In Every Morning

116 15 1
                                    

Jeffrey POV...

"Patingin nga ako ng anak ko.", mangiyak ngiyak na pakiusap ni mom sa akin matapos ayusin ang bow tie ko.

"Mom naman ih."

"Ala, mahihiya pa talaga, patingin lang."

Umayos ako ng tayo upang makita ako nito na husto. Ibinili ako ni mom ng isang full black smart tuxedo para sa party ngayong gabi. Akala ko nga ay hindi ako papayagan nina dad dahil sa nangyari kagabi sa akin pero mabuti nalang at nasuportahan ako ni sir.

"Mom, don't tell me iiyak ka pa nyan.", biro ko dito nang makita kong nagtutubig ang kanyang mga mata.

"I just did not see it coming. I'm sorry anak kung hindi kita masyadong nasubaybayan habang nalaki ka ah. Medyo busy lang talaga ang mom and dad mo sa work. Pero alam mo namang para sayo lahat ng ito hindi ba?"

"Mom, I know. You don't have to explain. Lahat naman po ng meron ako ngayon ay dahil sa support ninyo ni dad. And I am very thankful for that."

"Pwede bang pumasok?", tanong ni dad habang papasok sa loob ng room ko. "Patingin nga ng binata......wow, you look amazing son. Ang gwapo ng anak ko."

"Syempre naman hon kanino pa ba magmamana yang si Jeff natin kundi sayo.... At sa kin syempre hahaha.", pagbubuhat ng bangko ni mom sabay tawa nilang dalawa ni dad.

"Naku, sooner or later may ipakikilala nang girlfriend sa atin itong binata natin. And I can't wait to meet the lucky girl.", panunukso ni dad.

Isang pilit na ngiti ang aking isikuli sa birong ito ni dad. Sa matagal na panahong naging busy sila ni mom sa work, hindi ako nagkaroon ng chance sa mga ito na magsabi ng kahit na ano tungkol sa aking mga nararamdaman. Lagi akong sa mga classmates lang nagsasabi. Pero dahil naging tutok ako sa pag-aaral para makuha ang atensyon sana nila, hindi din ako naging ganun ka open sa mga ito.

Hindi ako confused. Sa ganitong edad ko, sigurado na ako kung ano ang gusto ko. Ilang beses ko din namang sinubukan na magkagusto sa isang babae ngunit pakiramdam ko ay kinakalaban ko lang ang aking sarili. Hindi ko maramdaman yung spark na sinasabi nila kapag nakikilala mo ang isang taong magpapasaya sayo, magpapatigil ng oras mo, magpapabilis ng pintig ng iyong puso. Hindi minsan sa kahit na sinong babae.............. tanging sa lalaki lang.

Naalala ko pa nung minsang lumaban ako sa isang Math Quiz Bee sa ibang school. Hindi ako kabahin sa tuwing lumalabas ako ng school para lumaban dahil lagi ko itong pinaghahandaan. Ngunit itong competition na ito ang pinaka kinabahan ko. Hindi dahil sa mga judges galing sa ibang schools na magoobserve sa amin. Hindi din dahil sa dami ng audience na nanonood sa laban. Hindi din dahil mahihirap na ang mga tanong.

Kinabahan ako dahil sa isang manlalaro sa kabilang school na nakatitigan ko sa corridor papunta sa auditorium kung saan kami maglalaban. Galing din sya sa isang private school sa community namin. Tulad ko, grade 9 din sya nun. Naka uniform sya ng school nila at naka Id pa. "Gregory", basa ko sa ID nya.

Magsingtangkad kami ni Gregory. Maputi ito at medyo mabintog ang mga pisngi. Mabulas din sya dahil sa lapad ng kanyang balikat. Mapula ang mga labi na mamasa masa at matangos ang maliit nitong ilong. At higit sa lahat, nakakahumaling ang gamit nitong pabango. Hindi naman iyon amoy kamahalan ngunit bumagay sa kanya ang amoy. Amoy player, parang presko lang ang dating.

Masaya na ako na nagsalubong ang aming mga paningin ng araw na iyon dahil hanggang dun lang naman ang madalas kong ginagawa. Ngunit ang lubos na nagpakaba ng aking dibdib ay nung lingunin ko si Gregory. Saktong lumingon din ito sa akin at tinapunan ako ng matamis na ngiti. Ginusto ko ding ngumiti ng mga sandaling iyon ngunit dahil sa kaba ay agad akong nagbawi ng aking tingin. Imbis na ngumiti ay parang nasimangutan ko pa ito.

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon