Jeff POV...
"Bakit parang hindi ka naman magkanda ugaga sa pagtapos ng mga assignments natin, Sabado naman bukas?", tanong ni Ward sa akin habang pinanonood lang ako.
"May lakad kasi ako bukas. Kailangan kong tapusin lahat ito para hindi ko iisipin pa sa Linggo.", tugon ko.
"Talaga? Saan naman? Sama ako."
"Kung pwede lang, isasama kita."
"Bakit saan ba yan?"
"May invitation for youth convention akong natanggap from the student council. Sasama ako syempre. Extra credit yun eh.", masaya kong sagot.
"Di nga?!. saan naman daw yan?"
"Sa Tagaytay lang naman."
"Ay ang daya. Bakit ikaw lang ang ininvite?"
"Aba malay ko. Nakareceive nalang ako ng letter from Edward eh. Sabi waver/invitation daw yun na papipirmihan sa parents. Pinapirmahan ko na agad kina mommy."
"Ganun?"
"Oh bakit parang lungkot na lungkot ka naman dyan?"
"Kasi hindi ako kasama."
"May pag drama? Nagulat lang din naman ako na nainvite ako eh."
"Asus, if I know. Ginamit mo lang yang charm mo para mainvite ka dun.", pagtatampo nito.
"Sira ka talaga. Kanino ko naman gagamitin ang charm ko noh. Tumigil ka nga dyan."
"Basta....may ginawa kang fishy for sure."
"Ewan ko sayo. Bahala ka na kung ano gusto mong isipin. Basta tatapusin ko to."
Medyo ilang sandali bago ito muling nagsalita sa tabi ko.
"Basta pasalubong ko ah."
"Ayun, lumabas din ang totoo. Pasalubong lang pala ang kailangan mo eh."
"Syempre naman. Hahaha"
"Oh sya. papasulubungan na kita. Ok. At please, wag mo muna akong istorbohin ok. kailangan ko talagang tapusin muna ito."
"Sinabi mo yan ah. Pasalubong ko. Sige na hindi na kita iistorbohin. Dyan ka na muna."
At hindi na nga muna ako kinulit ni Howard after nun. Magkahalong excitement at gratitude ang naramadaman ko ng makasalubong ko si Edward Magno nung isang araw. Sya ang president ng Student Council ng Muntinlupa College.
Mabilis lang ang naging pagbati nito sa akin na hindi ko malilimutan. Walang kaabog abog akong tinanong nito kung gusto kong sumama sa Annual Youth Convention nila this weekend. Syempre hindi na ako naginarte pa at umoo ako agad. Agad akong nagpaalam kina mommy at pinayagan naman ako ng mga ito.
Ang totoo ay hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Ward ang pagpunta ko dun dahil baka magselos nga at hindi sya kasama. At hindi nga ako nagkamali, nagtampo nga ang mokong pagkabanggit ko sa kanya ng tungkol sa convention.
Mabuti nalang at nadaan sa pasalubong ang loko.
Araw ng Youth Convention...
"Ready ka na?", tanong ni Edward pagkababa namin ng bus.
"Ready naman. Ano bang meron sa ganito?", tanong ko.
"Hmm, makikilala natin yung iba pang student council officers mula sa ibang mga schools. Meron silang leadership training at team building din. Magiging masaya to trust me."
![](https://img.wattpad.com/cover/100221528-288-k660598.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...