Dennis POV...
"Lalim ng iniisip ah. Baka malunod ka nyan. Ahon ahon din pag may time.", bungad ni Sam sa cubicle ko. "ano bang iniisip mo dyan?".
"Ah, wala naman. Medyo pagod lang siguro.", wala sa mood kong tugon.
"Balita ko surprise ang presentation nyo ah. Baka naman umabot kayo sa palarong pambansa nya ah hahaha."
"Sira ulo!, anong konek nun sa palarong pambansa eh sayaw yun."
"Biro lang. seryoso agad. Ano ba talagang iniisip mo?", usisa nito.
"Wala nga. Pagod lang ako talaga."
"Den, magkasama na tayo since college. Alam natin ang kalandian ng isa't isa. Alam ko kung kelan ka libog at alam ko kung may kasama ka the night before. Alam ko din kung kelan ka stress sa trabaho and I can assure you, whatever that is bothering you right now is not work related.", litanya nito. "sige na, spiel it out. Anong problema mo?"
Minsan talaga ayokong nakikita ako nitong mokong na to kapag nag-iisip. Parang may x-ray vision ang mga mata at nakikita nya ang laman ng ulo ko. At madalas pa, tama ang mga hinala nya.
"Haayyy, kahit kelan ka talaga.", pagsuko ko, "yeah you are right, something is bothering me and it's not work related."
"So what is it?", sabay hatak ng isang swivel chair sa katabing cubicle at umupo sa harap ko.
"Last night pag-uwi ko sa bahay, I'm looking over my closet to look for that black university shirt natin, naalala mo pa yun?, yung org t-shirt natin nun na black?..."
"Yeah, yung department shirt natin. Tayo pa nga naglay-out nun diba. How can I forget?, bakit mo natanong?"
"I was looking for it in my closet hindi ko makita. I go over my hamper, wala din. Hindi ko alam kung nasaan sya."
"Seriously?, you are acting like that for a t-shirt?"
Sounding stupid, ganun nga yata ang dating ng sinabi ko. At sana nga ganun lang ang gumugulo sa isip ko.
"Sam, lapit ka pa dito sandali.", utos ko sa kanya.
"ok?... looking serious for a t-shirt ah."
Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan upang makahugot ng tamang salita na sasabihin dito.
"Last summer, I had a hook up...."
"What else is new?, tuwing summer ka lang naman umaani ng husto eh diba. Haha", alaska pa nito.
"Makinig ka nga muna pwede, " putol ko dito. "Last summer, I had a hook up. Dun kami ng meet sa Eurotel sa may Las Pinas, yung nasa harap ng Southmall alam mo yun?"
"Of course.... And knowing you, it's either sa place ng ka hookup mo or sa isang maayos na hotel ka lang naman nakikipag laro diba?", patuloy na pang aalaska nito.
"Diba sabi ko makinig ka muna?!!", pikon ko.
"Fine,... continue po."
"Ok..... I met someone in Eurotel and we had sex of course. It was hot and great pero you know me. After a hookup tapos na yun. No continuation. No strings attached. What happened to us that night is all for that night only."
"Yeah, I know. That's how you roll."
"Exactly!, the thing is I tried something new in my usual hookup."
"What do you mean?"
"You know my type diba?, muscular, built, gymfit and the likes. But this time, I didn't know that this kid is totally the exact opposite of my preferences."
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Roman d'amour"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...