Chapter 15 - He Remembers Not

110 14 3
                                    

Dennis POV...

"How's Ledesma?", tanong ni Sam mula sa aking likuran.

"Ok na daw si Jeffrey ngayon. Tinawagan ko ang mom nya this morning para mangamusta.", tugon ko. "Nagising na daw sya kanina."

"Ano daw ang nangyari?"

"Wala naman daw masamang nangyari sa kanya sabi nung doctor nila. Baka daw nasobrahan lang sa pagod yung bata dahil namasyal sila nung umaga then nagpractice pa nung hapon diba."

"Eh paano ang presentation nila mamaya. Acquaintance Party na diba? So hindi sya makakasama".

"Yun nga yung nakakainis dun sa batang yun ih. Hindi paawat. Gusto pa din talagang sumali. Sinabihan ko naman magpahinga nalang sya. Maiintindihan naman yun ng buong klase kung bakit hindi sya makakasayaw."

"May point ka naman dun.........pero kung ako din naman ang nasa pwesto nya, parang ang hirap hindi sumali matapos ng lahat ng effort diba."

"Naiintindihan ko naman sya dun. Pero paano kung bigla ulit mawalan ng malay yun dun...."

"Eh anong balak mong gawin ngayon?".

"Maaga naman madidismissed ang klase mamaya diba? I'm planning to drop by their place mamaya para mangamusta. At kung makita kong hindi pa talaga nya kaya, ako na mismo ang pipigil sa kanya."

"Well, goodluck sayo sir."

It's Friday morning, most of the students didn't come to class na since its weekend and most importantly, acquaintance party na kasi mamaya. Mga committee nalang ang nandito talaga at yung ibang masisipag na estudyante.

Even the faculty are a bit lack sa pagtuturo, maging sila ay feel na ang weekend. May nagsabi nga, bakit hindi pa dineretso hanggang Friday ang class suspension eh para dere-deretso.

Mabuti na din siguro yung ganito dahil may event nga mamayang gabi. Marami pa din kasing tatapusin dahil hindi naituloy sa suspension ng klase kahapon.

"Good morning sir...", bati ng isang estudyante mula sa aking likuran.

Palabas na ako ng faculty upang magtungo sa canteen at bumili ng kape. Nauna na si Sam sa klase nya. Napadaan ako sa room nya kanina, parang wala namang bata. Sino kaya ang pupuntahan nya dun.

"Mr. Valdez....good morning din. Don't you have a class? Bakit ka nandito sa labas?"

"Konti lang sir ang pumasok sa klase natin."

"Aren't you going to have your final practice today. Presentation na natin mamaya?"

"Nagfinal practice na po kami kahapon kahit suspended ang klase."

"Nagpractice KAMI?", sa isip-isip ko.

"Talaga?.....", medyo may diin. "kumusta naman ang practice?"

"The practice went well sir. Present naman po ang lahat since final practice na po yun."

"Ah....ganun ba?....ok. I'll leave you to it then."

"Yes sir. Makakaasa po kayo."

Pagkatango ko dito ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nilagpasan ko lang si Valdez at hindi na nilingon.

"Sir, punta po kayong canteen?"

"Yes I am... why did you ask?"

"Baka sir pwedeng sumabay. Bibili din po sana ako ng snacks.

"Hmmm, I am hoping you will not make me an excuse to your instructor for leaving your class now ah."

"No sir, of course not. Besides, si sir Santiago naman po ang susunod naming prof eh. Ok lang po yun kay sir."

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon