Chapter 19 - He is Kulit

106 16 1
                                    

Jeffrey POV...

"Are you ok?, kinakabahan ka ah.", alalang tanong sa akin ni Ward.

"I'm good. Medyo kabado lang.", balisang tugon ko.

"First time mo ba sa ganitong performance?",

"Hindi naman, sumasali na talaga ako sa mga ganito nung junior pa. Iba lang talaga ang feeling ngayon."

"Ok guys, huddle up!!", malakas na tawag ni Robin sa buong klase.

"This is it guys!!. We prepared much for this. Wag natin sayangin.", pagsisimula nito. "Maraming nanonood, maraming students and faculty and they are all out there to watch us. This is not the time para kabahan. Let us believe in one another and we will pull this through."

"..sino ba ang hindi kinakabahan? Sino ba ang hindi natatakot na magkamali? We all are. But let us not be consumed by it and let us do our best. Para sa atin, para sa section natin, para sa adviser natin.", turo nya kay sir Toledo na nakatayo pala sa kabilang side ng holding area.

Tinanaw ko si sir mula sa pagkakatayo nito at isang nod of approval ang ibinigay nito sa amin. Habang nagsasalita si Robin ay naiwan ang aking paningin kay sir. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay nakatingin din ito sa akin. Sinuklian ko ito ng simpleng ngiti ngunit mukhang hindi nito napansin. Hindi yata ako ang tinitingnan niya. Mukhang malalim ang iniisip.

Hindi ko na masyadong napansin pa ang mga sinabi ni Robin. Basta isang malakas na cheer nalang mula sa buong klase ang narinig ko na pumutol sa aking pagkatulala kay sir.

"Let's go?", yaya ni Ward sa akin.

"Ah.?"

"Tara dun tayo sa may gilid ng stage. Panoorin natin yung ibang magpepresent."

"Ah sige mauna ka na. CR lang ako."

"Sure ka? Gusto mo samahan kita?"

"Hindi na. Sandali lang naman ako. Mauna ka na dun. Susunod ako. Hindi pa naman tayo ang magpepresent ih."

"Oh sige, ikaw ang bahala. Sunod ka ah."

Tumango nalang ako dito at naglakad palayo sa lahat. Hindi ko na nilingon pa si Ward, pagtalikod ko ay dali-dali akong naglakad papunta sa likod ng stage. Malapit sa parking lot ang venue kaya malamig ang simoy ng hangin dito.

Hindi naman talaga ako na-iihi o kung ano pa man. Gusto ko lang talagang mapag-isa muna bago ang presentation. Kinakabahan? Siguro, kaunti. Sino ba naman ang hindi, tanong nga ni Robin. Ngunit higit sa lahat, gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin upang kumalma. Medyo crowded kasi ang party kaya medyo naiistress ako.

"Kabado ba?", biglang tanong ng kung sino mula aking likuran. Mabuti nalang at hindi ako napasigaw ng magsalita ito.

"Sorry...sorry...nagulat ba kita?"

"Sir naman ih, nakakagulat naman po kayo."

"Hahaha. Natakot ba kita? Bakit naman kasi nandito ka mag-isa. Nandun na sa tabi ng stage ang mga classmates mo. Pinapanood yung ibang department sa presentation nila"

"Nahinga lang sir."

"Kinakabahan ka no?"

"Medyo sir. Pero kakalma din ako maya-maya."

"Are you sure? I promised your parents na iuuwi kita agad after ng presentation nyo."

"No sir...sir naman oh. Now palang sumasaya ang party ih, uwian na agad ang topic."

"I'm just saying. If something happens to you, sagot kita diba."

"Nothing will happen to me sir. Besides, sa dami po natin dito, for sure wala naman pong masamng mangyayari sa aking masama. Right?"

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon