Den POV...
"So, sir......tapos na po ang three questions nyo. Nasagot ko na. It's my turn na po!"
OMG...ako naman ang tatanungin. Sana naman hindi ganun ka personal ang magiging tanong nito sa akin. Applicable ba yung teacher nya ako kaya dapat lang pepreno sya ng konti? or baka pwede kong sabihing "pass" kung sakaling hindi ko gusto yung mga tanong nya. Kaso parang magiging unfair iyon sa kanya. Ako ang nagset ng rule na pwede magtanong ng kahit na ano tapos dapat sasagutin ng as truthful as possible tapos ako naman ang hindi tutupad. Baka mawala ang tiwala sa akin nito.
"Game ka na sir?", nakangiting tanong nito sa akin.
"Hmm, sige game na.", atubili kong tugon. Sana lang talaga dumating na sina Howard at Andrei.
"First question po.....sa buong career nyo po sa pagtuturo, nagawa nyo na po bang makipagrelasyon sa estudyante?",walang kagatol gatol na tanong ni Jeff.
"No.", diretsong tugon ko.
Tinitigan ako ni Jeff, tumaas ang kilay, waring may hinihintay na marinig pa.
"No?"
"Yes.... No."
"Yun lang po?"
"Yes. Ano pa ba?"
"Wala manlang explanation kung bakit?"
"You only asked me if nagawa ko nang makipagrelasyon sa estudyante. And my answer is NO."
"Andaya naman ni sir!!"
"Bakit ako naging madaya?"
"Kapag ako ang nasagot kulang nalang sabihin ko ang lahat tapos pag kayo isang word lang ang sagot."
"Close ended ang tanong mo, answerable by yes or no. Kaya yun lang ang sagot ko."
"Andaya naman ni sir. Ganun ba yun? Sige sir...bakit hindi po kayo nagkikipagrelasyon sa isang student?"
"Is that your second question? Hahaha"
"Andaya mo talaga sir! Hindi po ba pwedeng question 1.2?"
"Wala yan sa rule."
"Andaya mo talaga sir."
"Hahahaha..... will I get my question number 2 then?"
Hindi agad nagtanong si Jeff, mukhang nag-iisip ng malalim. Matalino ang batang ito at mabilis syang matuto. Sana lang hindi sya maging ganun kagaling para hindi nya matanong yung mga questions na hindi ko kayang sagutin.
Jeff POV...
Naisahan ako ni sir sa isang yun ah. Nasayang ang isang tanong ko na parang wala lang. Dapat akong makaisip ng mga tanong na mag eencourage kay sir magkwento. Tama nga naman sya, close ended ang tanong ko kasi kaya wala syang dapat ipaliwanag. Kaya pala ganun ang mga tanong nya sa akin kanina. Sige isip....
"Sige sir ito po next kong question....
"....Mahirap po ba? I mean, ang marating kung nasaan kayo ngayon? "
Wow, I did not expect that one coming.
"Napaka vague naman nang question na yun pero gusto ko."
Huminga muna si sir ng malalim bago magsalita. Marahil ito yung mga bagay na gusto nyang ishare sa mga katulad ko.
"Kung nasaan ako ngayon?, well, pwede mo bang i-specify kung ano sa tingin mo ang kinalalagyan ko ngayon? "
"Hmmm, isang matalino, may mataas na pinag-aralan, mukha pong may magandang katayuan sa buhay at higit sa lahat,eligible bachelor hihihi!!"
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...