Jeff POV...
"Uy Jeffrey hindi ka pa uuwi? Ikaw nalang maiiwan dito.", bati sa akin ni Andrea, isa sa mga classmates ko, nang palabas na sya ng classroom.
"Hindi pa. Sige na mauna ka na. May hinihintay lang ako.", tugon ko.
Ngunit hindi ito agad lumabas ng classroom. Lumapit ito sa akin.
"Akala mo ba walang nakakapansin?", makahulugan nitong sabi.
"Nang alin?"
Umupo ito sa armchair sa harapan ko.
"Hindi man tayo close pero, isa ka sa pinakamamagaling dito sa klase natin. Infact, sa buong track. And hindi ako nagyayabang pero, ayokong magpatuloy sa pagiging magaling kung wala din naman akong ka-compete na magaling din."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Missing classes, laging tahimik, hindi naimik during recitation, no class participation at all. Hindi ako sigurado pero may kinalaman ba dito sa Howard?"
"....Alam nating lahat na halos two weeks ng hindi napasok si Howard. Napapansin na sya ng mga instructors natin. At higit sa lahat, ikaw. Kapansin pansin ang pagiging tahimik mo halos araw araw."
"....Hindi ka namin nakikitang naglulunch, kahit break manlang. Lagi ka nalang nakatingin sa bintana. Ayaw makipag-usap sa kahit na kanino. What is really going on Jeffrey?"
"It's a lot more complicated than that Andrea. But I am grateful for your concern."
"Kung hindi ka man open sa kahit na kanino sa klase natin, nasubukan mo na bang lumapit sa mga instuctors natin. Kay sir Toledo, bakit hindi ka magsabi."
"I.....I tried."
"And?"
"He......He just....... I don't know."
"Well, you better do something about yourself. Hindi ka pwedeng laging ganyan."
"I know, and I'm sorry if I'm becoming remote and creepy and stuff hehehe."
"Creepy talaga? Hindi naman sa ganun. Sobra ka naman sa sarili mo. By the way, hindi ba kasama nyo din minsan si Robin? Anong nangyari sa kanya? Nakita ko lang din sya kanina pero nawala na din agad. Baka umuwi na. Ok lang ba din ba kayo nun?"
"Ah....yeah... we are. Hindi nga lang kami ganun ka close katulad ni Ward pero ok kami."
"Ok sabi mo yan ah. Pero seriously Jeff, put yourself back together. Hindi mo pwedeng hayaang maging ganito ang sarili mo for the rest of the semester. We only have less than a month before sembreak. And finals are fast approaching."
"Yes I know.... And thank you by the way."
"No prob.", at tumayo ng muli si Andrea at naglakad palabas ng classroom.
I stayed a couple more minutes sa classroom bago ako umalis. Kung hindi lang ako nasita ng janitor dahil papatayin na nito ang aircon hindi pa dapat ako aalis.
Dati, kasabay ko palagi si Ward papauwi. Lagi kaming nag memerienda ng turon sa may labas ng school at magkekwentuhan. Minsan kasama namin si Robin sa pagkain.
Pero ngayon, mag-isa nalang ako.
Wala na kong narinig pa kahit ano mula kay Ward after nung hapong yun. Ang sabi nya pupunta sya sa bahay pero hindi sya dumating. Ilang beses ko syang tinext, tinawagan, nag-pm sa messenger nya, lahat walang reply. Kahit nga seen, wala ih.
I tried asking Robin kung may alam sya kung nasan si Ward, wala din daw. Nakakapagtaka lang din dahil simula nung mawala si Ward ay parang hindi na din ako masyadong nilalapitan ni Robin.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...