Howard POV...
"Porke ba malungkot si Jeff dapat malungkot ka na din?", nabigla ako sa biglang pagtapik ng isang kamay sa aking balikat mula sa likod.
"Ikaw pala Robin, tara upo ka dito.", pag-aya ko. "Oh bakit ganyan ka makatitig? Robin kung mangtitrip ka lang wala ako sa mood ah."
"Alam ko, so I don't have plans of doing any."
Isang suspisyosong tingin ang isinukli ko sa sinabi nito.
"Sinusubaybayan mo nanaman ba ako ah Robin. Pinapaalalahanan kita ah, wala ako sa mood ngayon.", pagbibigay diin ko dito.
"At uulitin ko din ang sinabi ko kanina lang, I don't plans of doing any. "
"Eh anong ginagawa mo dito?"
"Hmm, well may pinabili si mommy dyan sa grocery store sa kabilang street. Ito oh", sabay pakita sa akin ng paper bag laman ang mga binili nya. "At nakita kitang nakaupo ditong mag-isa. Wala naman sigurong masama kung sasamahan kita diba. Kahit sandali lang?"
Hindi agad ako nakasagot. Kahit kadudaduda ang mga tingin nito at ang tinig ay hinayaan ko nalang syang samahan ako. Mas mabuti na din siguro ang may kasama.
"Ok, sige. Samahan mo ako dito. "
"Thanks pre. So, bakit ka nandito mag-isa? Wait, huhulaan ko nalang.... Magkaaway kayo ni Jeff noh?", bulalas nito.
"Hindi noh. At bakit naman pumasok dito si Jeff?"
"Asus!, Ito naman, maangmaangan pa. Para naman hindi totoo na si Jeff ang dahilan kung bakit ka nandito."
"At bakit mo naman nasabi yan aber."
"Hindi naman halata na kayo lagi ang magkasama."
"Eh ano ngayon kung kami ang laging magkasama."
"Ibig sabihin, kung hindi kayo magkasama ngayon, may something siguro."
"Hindi ba pwedeng gabi na at nasa bahay na sya ngayon at nagpapahinga or gumagawa ng assignments?"
"Hindi din.. kasi kung nandun sya sa kanila ngayon, dapat nasa bahay ka na din at gumagawa ng assignments mo habang nakikipag chat sa kanya sa messenger."
"Have you been stalking me talaga ah Robin?"
"I don't have to stalk you to know what is very obvious Howard. Walang kang ibang kabarkada sa school kundi si Jeff. Wala kang kasamang kumain at kasabay umuwi kundi si Jeff. Wala kang tinatabihan at kinekwentuhan ng kung anu ano kundi si Jeff. So ngayon tell me, hindi kayo magkasama dito habang nainom ka nyang malamig mong cooler dahil ano, busy sya? umalis sila? or baka magkagalit kayo ngayon.", pagtatapos nito.
"Hindi kami magkagalit ok. I'm just giving him space that's all. "
"Wow ah, magjowa lang ang peg. Space talaga. So magkagalit nga kayo."
"Hindi nga."
"Eh bakit mag-isa ka dito."
"Sinabi ko na. I'm just giving him space dahil baka yun ang kailangan nya."
"Wow pa din."
May namagitan sa aming sandaling katahimikan. Walang gustong magsalita.
"Siguro kailangan lang nyang mag-isip muna kahit sandali lang. Baka hindi nya kailangan ang isang makulit na kasama sa ngayon."
"What makes you think that he needs space ba?", tanong ni Robin.
"Hindi naman nya kailangan pang magsabi. Nararamdaman ko naman yun. Hindi naman ako manhid. Mas ok nang lumayo muna kahit sandali lang nang sa ganun, makapag-isip sya at hindi makulitan sa akin. Baka din kasi nasasakal na sa akin yun ih."
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romans"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...