Jeff POV...
"Sir, matagal na po kayong magkakilala nung si Mikhael? ", tanong ko kay sir Den para naman mamatay ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Matapos ipakilala ni sir Den si Mikhael sa akin ay bumalik na din ito sa loob ng shop. Madami daw tao kaya kailangan na nyang tulungan ang mga crew nya. Sumaglit lang ito muli sa table namin ni sir nang dalhin nito mismo ang order namin.
Wintermelon Milk Tea ang inorder ni sir at dahil wala akong alam sa menu nila, si sir Mikhael nalang ang umorder para sa akin. Binigay nya sa akin ang paborito daw nyang drink dito, ang Strawberry Cream Frappe. Inimprove daw nya ang ingredients nito para mas sumarap pa. At mukha namang totoo ang sinabi nya, masarap nga ito. Di tulad nung ordinaryong strawberry cream frappe, parang strawberry jam ang nilagay nya dito at hindi syrup dahil may buo buong strawberries talaga ito.
"Hmm, hindi naman masyado. Yung business partner nya dito, si MJ, ang kakilala namin ni sir Sam talaga kasi professor yun. ", tugon ni sir sa tanong ko. Isang tipid na sagot sa isang tanong. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni sir ngayon. Nahihiya ako sa kanya.
"Sir....tungkol po dun sa kanina,", panimula ko ngunit agad akong pinutol nito.
"Masarap ba yang drink mo? ", tanong ni sir.
"Ito po?, ah opo sir masarap naman."
"Good. Ang alam ko si Mikhael mismo ang nag improve nyan mula sa original recipe kasi favorite nya mismo yan."
Hindi ko alam kung para saan ang mga sinasabi ni sir Den pero feeling ko ay may iba itong ibig ipakahulugan.
"Ganun po ba. Hmm, ito na din po siguro ang magiging favorite ko. Masarap ih"
Dahil sa hindi ko na alam ang maaari ko pang sabihin upang maiba naman ang atmosphere sa pagitan namin ni sir kaya nilibot ko nalang ng tingin ang buong coffee shop. Sobrang busy ang mga crew ni sir Mikhael sa loob dahil sa dami ng mga customers. Iba't ibang tao, may halatang galing pa sa work dahil nakauniform pa. May barkadahan na maingay na nagkekwentuhan. Hindi ko man sila naririnig mula sa labas ngunit sapat na ang mga tawa at apiran nila para masabing maingay sila sa loob. At sa labas naman, maliban sa amin ni sir Den, ay may mangilan ngilang naninigarilyo at tahimik na nag-uusap.
"Alam mo bang estudyante ni MJ yang si Mikhael nung college? ", biglang sabi ni sir.
"Estudyante po?"
"Uhumm... HRM student yang si Mikhael at Math Prof naman si MJ. Simula pa nun ay masipag na talaga yang si Mike. Working student sya at kahit pagod na pagod na sa school at work ay pinipilit pa din nitong magka extra load sa school para kumita pa ng extra."
"Ang galing naman nya.", ang tangi kong naging tugon kahit hindi ko maintindihan kung para saan ang mga kinekwento ni sir.
"At feeling ko dahil dun kaya naman nagustuhan ni MJ yang si Mikhael."
"Ah, mukha nga po. Mabuti po at hindi naging issue sa kanila ang edad nila. Not to mention their position sa school. Student si sir Mikhael and professor naman si maam MJ."
"Uhum,..uhum... ", biglang ubo ni sir, parang nasamid yata ng iniinom nya. "Maam MJ? ", ulit nito.
"Opo, hindi po ba sinabi nyong professor ni sir Mikhael ang kapartner nya dito? Yung MJ? I am thinking....
"....Mary Jane?,
"....Mary Joy?
"Or pwede din Manuel Joaquin.", biglang singit nito sa akin.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...