Howard POV...
"Gusto mo ng fries? Kwek kwek? May banana cue sila ngayon dun sa canteen gusto mo?", sunod sunod kong alok kay Jeff ngunit tanging mga tipid na ngiti at pag-iling lamang ang naging tugon nito sa akin.
Ayokong pangunahan ito sa kung ano ang nangyayari sa kanya dahil baka lalo itong mailang. Sa katulad kong laging kasama si Jeff, hindi naman mahirap hulaan kung bakit parang wala itong gana ngayon. Simula nung acquaintance party namin, hindi na ito naging tulad pang muli nung mga nakaraan araw. Bumalik ito sa pagiging tahimik at laging malayo ang tingin.
Hmm, maaga ang labas natin mamaya diba? Gusto mo punta tayo dun sa court? Nood tayo ng naglalaro dun. Tapos merienda na din tayo sa burger house na kinakainan natin., patuloy kong pangungulit ngunit bigo pa din ako.
Magkasama kami ni Jeff halos minu-minutong kapag nasa school kami pero matapos talaga nung party na iyon, nag-iba na sya. Nagsasalita pa din naman si Jeff pero hindi na tulad ng dati. Nawala ng bigla ang mga ngiti nito sa labi. Yung mala rosas nitong mga pisngi, pumusyaw na din ang kulay. Ang mga mata nito na dating nangungusap, ngayon lagi ng malayo ang tingin.
Ano ba ang pwede kong gawin?
"Gusto mo sabay tayo sa pag-uwi mamaya?", huling hirit ko dito.
"Ward, salamat. Ano ka ba? Bakit ba parang naging mas makulit ka ngayon? Ano bang nakain mo?"
Pilitin man nitong ngumiti sa harap ko, alam kong may itinatago syang lungkot.
"Makulit? Ako? Hindi ah, lagi naman akong ganito dati pa. ikaw nga itong...."
"Ako itong?", dugtong nya sa pinutol kong sasabihin.
"Wala. Hindi ka lang madalas magsalita nitong mga nakaraan. Parang may iniisip kang problema. Ano ba yun? baka makatulong ako.", pagpipirisinta ko. kahit naman alam kong meron at hindi nya ito sasabihin sa akin.
"Problema? Ako? Wala ah. wala lang talaga ako sa mood."
Wala sa mood? Ilang araw na eh, wala sa mood?
"Ok, sabi mo ih.", tuldok ko. "Bakit hindi ka maganang kumain ngayon?"
"Wala lang akong gana kumain talaga. "
Nais ko pa sanang magtanong o mag-alok ng kahit na ano ngunit minabuti ko nalang na tumahimik at hindi magsalita. Lalo na nung makita ko ang biglang paglungkot ng mga mata nito at ang pag-iwas ng kanyang mukha upang itago ang biglang paglungkot nya.
Ano ba si sir Toledo sayo Jeff? Ano ba sya? bakit ganyan ang epekto nya sayo.
***
"Thank you Ward.", bati ng daddy ni Jeff sa akin nung sunduin nya ito sa gate ng college.
Isang magalang na pagtango at pagkaway ang naging sukli ko dito habang dahan dahang tumataas ang bintana ng kotse nila Jeff. Sinundan ko ng tingin ito habang papalayo sa akin at makilo sa unang kanto.
Naiwan akong nakatayo sa harap ng gate ng college, mag-isa. Nagsimula kong maglakad pauwi nang madinig ko ang pagtunog ng aking cellphone sa bulsa.
"San ka?", basa ko sa text ni Robin.
Walang gana ko itong isinara at ibinalik sa aking bulsa at muling nagsimulang maglakad. Hindi pa ako nakakalayo ng muli itong magparamdam. Hindi message alert tone tulad nung ordinaryo kundi isang harp tone na sadyang nakatalaga para sa isang notification.
Natigilan ako sa aking narinig. Hindi ko pa man nababasa ang naturang notification ay alam ko na yung para saan iyon. At biglang nabuo sa aking isipan ang isang haka-haka,
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...