Robin POV...
Agad ay pumatak ang mga luha sa aking mata. Niyakap ko ang scrapbook ng best friend ko. Mahigpit.
Binuklat ko ang susunod na pahina.... Isang tissue wrapper at pouch ng orange juice ang nakadakit dito na may caption sa ibaba. "The first time I met my sunshine". Tinitigan ko ang tissue at pouch na yun habang sinasalat.
"Don't tell me this is the........", dito ay tuluyang nanulay ang masaganang luha sa aking pisngi. Hindi ko pwedeng malimutan ang tissue at juice wrapper na ito. Simula pa ng pagkabata ko, isinasama na ako ni mama sa pag gogrocery nya. At sa tuwing bibili sya ng mga pang kusina, hindi pwedeng hindi ang brand ng tissue na ito ang kukunin nya. Ito daw kasi ang pinakamatibay at sulit na brand ng tissue. At ito din daw kasi ang ginamit nya para balutin ang mga pinapabaon nya sa akin.
Yun ang unang beses na nagkakwentuhan kami ni Raf, yung araw na naiwan nya ang baon nya sa service kaya hinatian ko sya ng baon ko. Tinanggap nya iyon at simula noon ay naging malapit na kaming dalawa sa isa't isa. Maging ang juice pouch na binigay ko sa kanya ay naitago din nya.
Nanginginig ang mga kamay kong binuklat ang susunod na pahina. Isang punit at gusot na page ng notebook na may nakasulat na "saan tayo kakain mamaya?" at may caption sa ibaba, "those smiles, my sunshine". Ipinikit ko ang aking mga mata upang alalahanin kung kailan itong papel na ito. Sa itsura nya, pang grade school ang papel kasi may blue-red-blue line pa. Parang writing notebook yata.
Hanggang sa may naalala akong isang eksena sa classroom na muling nasita ng teacher namin itong si Raf dahil hindi daw nakikinig at may isinusulat. Hindi naman namin nalaman ang laman ng papel sa halip ay nagsabi lang ang teacher namin ng "it's too early to have your break Rafael. Are you hungry already?" at sinundan iyon ng maingay na tawanan ng buong klase.
Matapos ang klaseng iyon ay lumapit sa akin si Raf at nagyayang kumain sa labas. Hindi pa oras ng break para kumain ngunit nakita ko sa mga mata nito ang pakiusap kaya sinamahan ko na ito. Nalate kami sa susunod naming klase ngunit hindi ko iyon alintana dahil napansin kong nawala nga ang lungkot sa mga mata ni Raf ng makakain na at pabalik na kami sa room namin.
Susunod na pahina. Isang brown na medyas. Napangiti ako ng kaunti ng makita ko ang pangalan ko na nakasulat sa may bandang itaas ng medya. Ito yung isang pares ng cub scout sock ko na ipinahiram sa kanya nung minsang nag day camp ang mga cub scout sa school.
Sa pagmamadali yata ni Raf sa pagpeprepare ng mga dadalhin nya para sa event na iyon, hindi nya napansing isa lang ang nadala nyang medyas. Naiwan yata ang kapares. Maliban sa puting medyas na suot nya mismo nung araw na yun, wala na syang baon. Kaya ipinahiram ko sa kanya ang isang pares ng medyas ko at yung luma nalang ang aking isinuot. Ayaw pa sanang tanggapin ni Raf yun pero pilit kong ipinasuot sa kanya yun dahil baka mapagalitan nanaman sya.
"My superman", ngiting basa ko sa caption na nakasulat sa bandang ibaba nito. Kaya pala hindi na nya isinaulo sa akin ang medyas ko kahit tinatanong ko sa kanya matapos ang camping. Sabi lang nya, nilabhan ni ate tapos hindi na daw nya nakita kung saan nilagay.
Kasabay ng pag-agos ng masaganang luha sa aking mga mata ang pagbuklat ko sa mga sumusunod na pahina ng scrapbook ni Raf.
May sirang green shades na umiilaw, marahil ito yung binili naming souvenir sa Enchanted Kingdom nung grade 6 field trip namin. "An Endless Adventure with my Sunshine" ang nakalagay na caption nito.
May plastic ng seedlings ng papaya. Yung isa, may laman pa. For sure, ito yung seedlings na binenta samin sa school para itanim sa garden. Sigurado akong ito yung project namin sa Botany class. Naalala ko pa kung paano kaming nagpunasan ng putik sa mukha habang nagtatanim. Tawa kami ng tawa nun. Takbo dito takbo dun hanggang sa parehas kaming pinagalitan ng aming teacher sa Botany. Parehas tuloy kaming napunta sa detention after nun. Pero magkagayunman, hindi ko pinagsisihan na nakisama ako sa kakulitan ni Raf. Naging masaya ako at sa itsura ni Raf, mukhang naging masaya din sya.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...