Number
Nadismaya ako ng makitang nadagdagan na naman ang kilo ko, kahapon pagkatapos naming magworkout ay nabawasan naman ng isang guhit pero bakit ngayon nadagdagan ng dalawa?
Ayaw ko na tuloy pumasok, panigurado tatanungin ako ni Prim kung nabawasan ba ako ng timbang o hindi. Yun pa ba? Sigurista ang bestfriend kong iyon!
"Ano ba yan? Kain ka pa kasi kagabi eh" sita ko sa sarili ko, pero teka hindi ba dapat ang malalanding pagkain ang sisihin ko?
Oo tama,iyon ang dapat kong sisihin.
Sila ang dapat sisihin, ang lalandi!Tamad akong tumayo at nagbihis.
Plano ko ring hindi mag breakfast ngayon pero naalala ko palang katatapos ko lang kumain.
Ano ba to?! Para kay Daevon. Para kay Daevon.
"Uy Xochitl, ikaw pala yan" liliko na sana ako pero tinawag ako ni Daevon.
Sus ako lang naman ang ganitong size ng katawan dito sa campus. Don't me ha.
Pero teka, si Daevon. "Ah.. Hehe ako nga" tinakip ko ang bangs ko sa mukha ko para hindi nya makita ang pamumula ng mataba kong pisngi. Jusko Daevon!
"Kamusta? Sumesexy ah?" My cheeks heated up, teka lang ang alam ko nadagdagan ng dalawang linya yung kilo ko pero bakit sabi nya sumesexy ako? Hindi kaya malabo na ang mata nya?
"Hindi naman. Pacheck up ka ng mata baka kasi malabo lang" biro ko, humalakhak sya ng malakas. Oh my gosh, bakit ang sexy?
I admit he may not be the best looking guy in this school pero sya talaga ang pumukaw sa puso ko, maliban sa childhood crush kong si Zarette.
"Hindi ah, nagpapapayat ka na ba? Wag masyado ha? Baka di na kita mareach nyan" saglit lang, yung feels ko, panindigan mo to Guzman!
"M-medyo lang naman. D-iet" I flashed an awkward smile, tinatanaw lang kita dati ngayon katabi at kausap kita.
Siguro halos lahat ay alam na crush ko si Daevon, noong last game kasi ng volleyball team nagpagawa ako ng malaking banner na may mukha nya at mukha ko. Nakakahiya, tuwing naaalala ko nahihiya ako sa sarili ko kasi napakacorny ko pala noon.
Nagpasalamat naman sya sa akin after nung game pero pagkatapos noon hindi na nya ako pinansin, ngayon nalang ulit.
Bakit kaya?
Dahil ba harang ako sa daan? O dahil wala syang choice kundi pansinin ako?
"Sya nga pala, can I get your number? Wala kasi akong katext eh" aniya ng paliko na ako, agad akong napatigil at napatitig sakanya.
Seryoso ba sya?
Joke time ba?
Nilabas nya ang kanyang cellphone at inabot iyon sa akin. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon at nilagay ang aking numero.
"Thanks! See you next time, text you later" he winked and then waved his hand good bye.
"HE ASKED FOR MY NUMBER! WALA RAW SYANG KATEXT PRIM! HOMAYGHAD, MY PAMILY!" Pinigilan ko ang sarili kong yugyugin si Prim dahil baka mabali ko ang buto nya, hindi ko mapigilan ang sarili kong magsaya.
Daevon asked for my number!
"Baka naman gusto lang ng taga load?" Pambabasag ni Prim sa akin saka sya kumagat sa blueberry cheesecake nya. Kita mo to, binawalan akong kumain ng marami ngayong recess babasagin pa tong kilig moment ko.
Umismid lang ako at ngumuso "Hindi naman ako papayag no! Five hundred per month lang, char."
Nakatikim ako ng batok sakanya, Aray ha! "Xochitl! Are you serious?! I will hate you talaga pag yan ginawa mo" umiling ako grabe to, ang sakit parin ng katawan ko tapos babatukan pa ako. Hmp!
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...