Cotton candy and mint...
Nakaupo sya sa kanyang matte black na swivel chair, nakataas ang kanyang mga paa sa kanyang desk.
"Za, si Xochitl oh. Iwan ko na kayo" tumango lang si Ryan sakanya bago ako tinapik sa balikat.
Sa harap ko ay isang walang ekspresyon na Zarette, nakahalukipkip na sya ngayon at kakatapos magayos ng upo.
"Why are you avoiding me?" Diretsa nyang tanong, hindi na ako uupo dahil aalis rin ako kagad kapag nasabi nya na ang pakay nya sa akin.
"Hindi ah? Bakit naman sana kita iiwasan?" pagdideny ko, lumapit sya sa kanyang computer at nagsimulang magtype.
"I've watched all the cctv cameras to look for you. You are running and walking backwards while checking the vicinity. And you met a new friend, Aveline Lim from Block C, Medtech student" napalunok at napanguso nalang ako sa sinasabi nya.
Lahat ng impormasyong sinabi nya ay tama. Base sa uniform ni Aveline ay medtech nga siya.
Nag dekwatro sya at humalukipkip habang nakatitig sa akin. Gusto kong tumili, ang hirap magpigil ng kilig.
Sino bang hindi? He looks like a greek god from heaven!
Kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga ng malalim, I need to calm my self and keep it cool.
"So, why are you avoiding me? You're not even answering my texts and calls. Is it about what happened last night?" his eyes speaks volumes of emotion, napaiwas nalang ako ng tingin.
"Hindi nga." pagdedeny ko.
"Okay, tell me more lies then? I love hearing lies" sarkastiko nyang sabi. Napalunok ako at napaatras.
"You can tell me everything, Madox. Truths... lies... everything."
Tumikhim ako at umabante.
"Aalis na ako." patalikod na ako pero agad rin akong napatigil. Napatili ako ng mamatay ang lahat ng ilaw.
"Z-arette. Uy. May maintenance ba? Brownout? Di naman nagbrobrown out sa school ah?" I said Panicking, takot ako sa dilim. Ayaw na ayaw ko sa dilim.
Nakaramdam ako ng presensya sa harap ko, ang mainit nyang hininga ay tumatama sa aking balat .
Kumapa ako sa hangin hanggang sa wakas ay hawak ko na ang braso nya. He placed his hand on my back at nilapit ako ng tuluyan sa katawan nya.
"I'm here. It's alright." he said rubbing circles on my back, comforting me.
"T-tara na sa labas, ang dilim. Tara na please?" pakiusap ko. Takot ako sa dilim, kinalakihan ko na iyon.
"Just please tell me why are you avoiding me"? Pangungulit nya parin sa akin, lumunok ako at napasiksik nalang sa dibdib nya.
"Hindi naman sa ganon. I need time, kasi ang hirap paniwalaan. Kasi... Imposible. Feel ko kasi nangtritrip ka lang eh" ramdam ko ang paghigpit ng yakap nya na hindi ko na tinutulan.
I am too afraid of the dark to break our hug.
"Kung iiwasan mo paano ko papatunayang totoo? Just let things be, okay? Trust me."
"Pero kasi... "Madox, is this how you want me to chase you? Iiwasan mo ako? Kahit ano pang paraan maghahabol ako. " he caressed my cheek, as the lights flickered.
Bawat pagpatay sindi ng ilaw, nakita ko ang mga mata nyang nangungusap. I can now name the emotion from his eyes.
Sincerity.
Napalingon ako ng magliwanag ang buong kwarto.
Nang harapin ko sya ay nagdikit ang aming mga labi.
He kissed me.
I kissed him.
We kissed!!
Naitulak ko sya agad, habang sya ay napakagat sa kanyang labi.
"Hindi ko akalain gusto mo pala ako i-kiss, you could've just asked me. I will do anything, you just have to ask" nakangisi nyang sabi.
"Ang kapal mo! Ang layo ng mukha mo kanina, bakit mo kasi nilapit? "Umirap ako at bumitaw sa pagkakayakap sakanya.
"Bakit naman kita hahalikan aber? Porque crush kita? You wish!" bulyaw ko sakanya, humalakhak sya at bumalik sa upuan nya.
"Yeah. I wish." hinablot ko na ang bag kong nabitawan ko kanina at nagmartsa patungo sa pinto.
Ilang beses ko ng pinihit pero hindi pa rin ito mabuksan! Nilingon ko sya na ngayon ay prenteng nakaupo sa kanyang upuan.
"Huy! Bakit ayaw mabuksan? Zarette! Stop, gusto ko ng lumabas" kunwari pa syang may tinatype sa kanyang keyboard.
"You can't get out of this room unless you know the password" kumunot kang ang noo ko at nakitang may thumb scanner at meron ding pindutan ng password doon.
"Zarette! Sabi ko na nga ba e sana hindi nalang ako pumunta rito!" pagdadabog ko, umupo ako sa couch at todo simangot.
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...