Thirteen

1.7K 72 14
                                    

The last dance


"Xochitl, anak? Try this one" rinig kong sabi ni Mommy sa labas ng fitting room, I wiped away my tears saka ko inabot ang binibigay nyang dress.

"I'll just pay for these, hija. You can check the nearby stalls, i'll text you nalang." ngumiti lang ako kay mommy at nagsimulang mag lakad lakad para maghanap ng ibang fashion stalls.

Pumasok ako sa isang sneaker stall, may nakita kasi akong maganda shoes.

Tumingkayad ako para abutin ang sapatos, napaatras ako ng may umabot doon at inabot sa akin.

"Alone?" si Daevon.

"Uy, hindi kasama ko si Mommy. Ikaw?" ngumiti sya at kinagat ng bahagya ang kanyang labi.

"Yeah, I'm alone. Bumibili lang ako ng ibibigay para sa prom date ko." aniya.

"May prom date ka na? Kelangan ba meron?" tanong ko, he shook his head. Sumenyas ako sa isang sales lady at sinabi ang size na para sa akin.

"Wala pa nga, hindi naman kelangan pero iba parin pag may kadate. Kung wala ka pang kadate eh di tayo nalang? Promise, I will be good this time. Sasayaw lang naman eh" napa-sige nalang ako tutal ay wala naman akong kadate.

Pagkatapos magbayad ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Sinundan ko na si mommy sa second floor dahil doon daw kami kakain.

"I called someone to help me with your hair and make up, hija. Kulang pala ang gamit ko."

"It's okay ma, para less hassle na rin po sainyo." nakaharap ako sa vanity mirror habang nakikinig sa music.

"And one more thing hija, I didn't like the dress that you bought yesterday. Kaya I asked my friends to provide you some of their designer gowns, okay lang naman sayo hija, diba?"

"Okay lang po, alam ko naman po na mas may alam kayo sa fashion kesa sa akin"

Mga ilang minuto lamang ay dumating na ang stylist friend ni Mommy, may mga dala itong gown at sinabit nya ito sa gilid para aking pagpilian.

Itinuro ko ang isang white gown, nagustuhan ko talaga ito unang kita ko palang. Matatakpan nito ang braso ko.

Light make up lang ang inilagay ni mommy sa mukha ko, mas gusto ko iyon kesa makapal. Light lang rin ang lipstick.

Normal na hair do lang ang ginawa sa buhok ko, nakatali lang ito pataas at medyo kulot ang dulo. Inayos rin ang bangs ko. All in all, I like my hair and make up.

Isinuot ko na ang gown na napili ko, it is a white and red haltered, floor length gown. Off shoulder ito and kita rin ang likod. But I feel so comfortable with this gown, gusto ko talaga ito.

Napapalakpak si mommy at ang mga kasama nito pagkalabas ko ng aking kwarto, nahihiya akong napangiti at sinipat ang aking gown.

Sinigurado kong makapal ang takong ng aking heels, kahit nagbawas ako ng timbang ay natatakot akong baka bumigay ito sa akin.

"My baby girl, dalagang dalaga ka na anak" my eyes began to water while she's checking on me. Ngayon lang ako inayusan at inasikaso ni Mommy ng ganito sa harap ng mga amiga nya.

"Bagay mo ang pagpayat anak, unting push pa" nakangiti akong tumango saka nya ako bineso.

Late ako ng limang minuto, nakapaglakad na silang lahat. Kaya sa gilid na ako pumasok, hinanap ko kung nasaan si Prim. Nakita ko syang katabi si Ely at Ryan.

Sinenyasan ko si Prim, napangiti sya nang makita ako. Agad syang lumapit sa akin at bumeso.

"Woah! Ikaw ba talaga yan? Ikaw ba talaga yung bestfriend ko? Ilabas mo si Xochitl!" aniya, napahalakhak ako sa sinabi nya.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon