Twenty Two

2.1K 75 17
                                    

Hospital

*Rated SPG (D)

"Etong pink na high waist short at floral na off shoulder. What do you think?" pinakita sa akin ni Prim yung mga balak nilang ipasuot sa akin.

I smiled at them bago ko iyon kinuha at sinuot, noong namimili kami sa mall ay nagustuhan ko ang damit, at tingin ko ay babagay naman ang shorts na pinili nila para iterno doon.

I trust Prim's taste in fashion. Model naman kasi ang isang iyon, of course maalam sya sa fashion.

They smiled at me nang lumabas ako ng banyo, agad akong pinaupo nila Aveline sa harap ng vanity mirror at inayusan ng buhok.

Messy bun ang ayos nila sa buhok ko, I can say I look prettier than yesterday.

Isa pa ay iwas init dahil presko sa batok ang ayos ng buhok ko.

Nag vans nude nalang ako, sa dami ng dapat lakarin hindi tamang mag heels pa.

Sinuot ko ang aking aviators bago pumasok sa kotse. Pinindot ni Aveline ang stereo at agad na sinabayan ang kanta.

"Girl, sige paulanin mo" biro ni Bree kay Aveline, pinagpatuloy lang ni Aveline ang pag kanta saka nya sinabayan ng pagkaway ng mga kamay nya.

Nag park ako malapit sa kotse ni Zarette, tatlong kotse ang pagitan ng sasakyan naming dalawa.

Kinuha ko ang itim na payong at binuksan iyon.

"Wow, may payong na sya." tukso sa akin ni Prim, tumawa lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Naghanap na sila ng schedule, habang ako eto at papunta na naman sa office ni Zarette. Hindi na ako kumatok, binuksan ko nalang agad.

Napapitlag sa gulat si Amaryllis, naglalagay sya ng bottled water sa ref ni Zarette. Trabaho rin ba to ng secretary? Galing ah.

"Nasan si Zarette?" tanong ko.

"May pinuntahan lang." nagtaas sya ng kilay bago nilagay ang natitirang bottled water. Sinara nya ang ref at sumandal dito.

"Bakit ka pa bumalik? Dapat hindi na, ginugulo mo lang kami ni Chairman" aniya, ngumisi ako. She can't even call him by his name.

"I came back because I want to. And, wow ha, ako pa talaga ang nanggugulo? Who stepped in our lane and meddled with our relationship? Hindi ba ay ikaw? Sayo pa talaga nanggaling yan" I folded my arms while raising a brow.

"and just so you know, hindi ako bumalik para guluhin kayo." I smirked. "Kasi wala namang...kayo" I put a strong emphasis at my last sentence.

Her smirk faded, napalitan ito ng inis.

Hindi naman sila, at hindi naging sila.

Papaniwalaan ko ang sinabi ng mga kaibigan ko, malalaman ko rin ang ibang side ng kwento kay Zarette.

Hindi muna sa ngayon. Dahil ang totoo, nakakatakot minsan ang katotohanan.

It can comfort and cause us pain at the same time, I just hope that the truth will answer all of unanswered questions.

I also hope that it can mend not only our relationship, but also our hearts.

Lalapit sana sya sa akin nang magbukas ang pinto, pumasok si Zarette na may mga hawak na folders.
Agad na binuksan ni Amaryllis ang ref at nag lapag ng tubig sa mesa.

"You can leave now" baling nya sa babae, she looked at me before making her way out of the room.

"What do you need?" inalis nya ang kanyang sunglasses at pinatong iyon sa kanyang desk.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon