"Uhm hi, andyan ba si Prim?" Tanong sa kanya ng matabang bata, nakaipit ang buhok nito at maaliwalas ang mukha dahil sa ngiti kahit bakas ang pagkahiya.
Binitawan nya ang hawak nyang controller dahil tapos na rin ang laban nya sa kanyang nilalaro. Sinipat nya mula ulo hanggang paa ang bata, ito yung naging kaibigan ng kakambal nya noon sa park. Yung binubully nila Kiko na ngayon ay kaibigan nya na.
"Upstairs" simple nyang sagot at tinuon ulit ang atensyon sa controller. "Akyat ka nalang, the room with the pink door."
"Okay. Thanks Zarette" she said. Tila may kung ano sa pag sabi nito ng kanyang pangalan. Marami ang tumatawag sa kanya sa kanyang pangalan pero iba ang epekto nang sya ang nagsabi.
Katatapos nya lang magbasketball nang biglang dumating ang kaibigan ng kambal. Ano na pangalan nito? Meadow? Xochitl? Ahh kumplikado. Madox nalang.
"Si Prim?" Tanong nya bago shinoot ang bola. Napaawang ang labi nito nang mai-shoot ang bola. Ringless!
"Wow, ang galing. Sana marunong rin akong magbasketball. Parang cool kasi" sabi nito bago tumawa. Her laugh sounds so good to his ears. Hindi nya alam kung bakit. Wala syang idea kung bakit ganun iyon. Lalo na nang bumaling ito sa kanya at ngumiti kahit namumula ang cute at matabang pisngi.
"Anong nakakatawa? Mabaho ba ako?" Tanong nya saka inamoy ang kanyang sarili. He may smell stinky after the game. Napaiwas sya nang lumapit ang dalaga at sininghot ang amoy nya. God knows how tensed he was when she sniffed his arm. He don't understand why.
"Di naman ah? Bango mo nga eh. Kahit babad ka sa araw. I like the perfume, Zarette" sya naman ang namula at nag iwas ng tingin. Drinible nya ang kanyang bola at nag shoot ulit. Mintis!
"Shit." Mura nya dahil hindi na-shoot ng dalawang beses. Distracted sya sa babaeng nanunuod sa kanya. Hindi nya batid kung bakit gusto nyang ma-impress ang dalaga.
"Okay lang yan. Kanina pa kita pinapanuod, shoot ka ng shoot. Siguro pagod lang ang muscles mo. Magaling ka naman, sobrang galing" puri ng babae. Tila ginanahan sya at nakashoot kahit di nakatingin sa ring. "Wow. Ang galing talaga!" saka ito pumalakpak.
"Hi. Uhm happy birthday. Sorry ha, mas nabilhan ko si Prim di ko kasi alam kung ano ang gusto mo" sabay abot ng regalo sa kanya. Agad nya itong binuksan na hindi nya naman ginawa sa ibang regalo na binigay sa kanya na hamak na mas mahal kesa sa natanggap nya kay Madox.
"Thanks" ngisi nya nang makita ang tatlong itim na shirt ang nandun. Hindi nya pa tinawag ito kahit kailan sa palayaw na binigay nya. Hindi naman kasi sila palaging nag uusap, si Prim ang lagi nitong kalaro. Kapag mag uusap sila ay tungkol kay Prim lang ang topic nila.
She blushed at ikinatuwa nya iyon, may epekto sya sa dalaga!
Noong una ay in denial pa sya dahil bata pa sila, ilang beses din syang nag search sa kung bakit ganun ang nararamdaman nya sa dalaga. Ni ayaw nya ngang nababanggit nila Kiko ang pangalan nya dahil...nagseselos sya.
Crush nya si Madox, that's for sure. Madox na rin ang gusto nyang tawag sa dalaga dahil sya lang ang may alam at may bigay nito sa kanya. Madox was from him, so he should be the only one to call her that.
"Alam mo gwapo talaga ng kuya mo ano? Kaya lang lagi namang nakakunot ang noo. Crush ko sana" nakasandal sya sa pader at nakapamulsa. Hindi nya napigilan ang pag ngisi dahil sa narinig. Umakyat sya para tawagin ang dalawa para sa tanghalian, hindi nya sadya na marinig ang usapan ng dalawa.
Pero agad ding napawi iyon sa susunod na sinabi nito.
"Yung Daevon na sumasali sa varsity team ng kuya mo, cute sya" tila may parte ng mundo nya ang gumulo, kumuyom ang panga nya at ang kamay nya.
"Mas gwapo naman ng di hamak si kuya kahit.masungit iyon"
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...