Fifteen

2K 75 23
                                    

Game

Two days bago ang inter college sports fest, nagiisip na ako kung anong gagawin ko sa buhay ko. Kidding, inaasahan kasi ni Zarette na manunuod ako.

Well, I won't miss it for the world. Nagiisip kasi ako kung paano ko ipapakita ang suporta ko sakanya.

"Why not make a banner? Parang si Athena ng SDTG, saka ka mag cheer ng 'go sexy! Go sexy! Go sexy, sexy love!" saka nya winagayway ang kamay nya habang nagchi-cheer.

"Tama! Banner! Pero ayoko mag sayaw ng ganun, di naman bagay sakin yun" nakangiwi kong sabi. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw.

"Aigoo! Okay na yun, basta may banner ka" si Aveline ang kasama ko ngayon, free cut dahil busy ang marami para sa sports fest.

Sports is not for me and Aveline, pero gusto ko ang volleyball at badminton. Kaya nga lang hindi ako gusto ng sports na iyon.

Andito kami sa National BookStore na nasa loob ng campus namin mismo. Bumibili ng mga materyales para sa banner, I just hope Aveline is artistic because I'm not.

"So... Artistic ka ba? Kasi ako wala akong talent sa pagda-drawing or lettering man lang" I confessed, she scratched her nape and rolled her eyes.

"Bahala na! Ang importante...wala tayong ebola!" walang konek nyang sagot, napakamot nalang rin ako sa batok at kumuha ng mga markers.

"Get that ball, shoot that ball!" yan, yan ang isusulat natin. Ngumuso lang ako habang pinapanuod syang nagsusulat sa binili naming kartolina.

Bahala na talaga si Batman.

"Busy ka today?" tanong ko bago niloudspeaker ang tawag. Bukas na ang game at hindi pa kami nagkikita magmula kahapon.

Inayos ko sa gilid ang mga ginawa naming banner ni Aveline, pinakita ko na rin ito kay Prim at aprubado nya ang nga ito.

Hindi masyadong artistic, I know its plain but atleast we exerted effort making these banners.

"Hindi naman. Do you want me to come over?" tanong nya sa kabilang linya. Katatapos lang yata nila mag lunch at katatapos rin ang last game nila.

"Ikaw bahala. Do you think you can make it? I mean, dalawa ang sports mo ngayong sports fest." he sighed deeply. Pinagiisipan nya kasing ilaglag ang volleyball team dahil hindi nya alam kung kaya nyang makahabol.

With basketball, hindi nya alam kung ilang beses ang game nila lalo pag nakapasok sila ng championship. Which is automatic, hindi naman nalalaglag ang team namin sa inter college.

"I can't. Kaya na ng team mates ko iyon, I'll leave it to them" nakarinig nalang ako ng pamilyar na alarm mula sa linya nya at pagtunog ng engine.

"I'm coming over. I missed you today" napangiti ako, naalarma dahil kailangan kong itago ang mga banners.

"Okay, tawag ka nalang kapag andyan ka na sa baba. Ingat ka ha? Yung pag da-drive"

He chuckled on the other line "Yes maam" he answered before I dropped the call.

Nirolyo ko ang mga banner at inilagay sa aking closet. Mga sampong minuto ang nakaraan bago sya tumawag.

Nag suklay, polbo at naglagay ng kaunting lip tint bago bumaba. Tinukso pa ako ni Manang pagkakita sa akin at sa bisita.

He's wearing black muscle tee, jersey shorts and his favorite basketball shoes from Stephen Curry. Basa pa ang buhok nito at magulo.

Nilabas ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang noo nya.

"Hindi ako nag aircon, magagalit ka eh" aniya, I let out a sigh while wiping away his sweat.

"Hindi mo rin binuksan ang bintana mo, tama ba?" he scratched the back of his head before nodding for his answer.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon