Thirty

1.6K 52 4
                                    

"Who are these kids?" turo nya sa wallpaper ko, Daevon texted at nakita nya ang wallpaper ko! I fanned my self with a folder bago nilagay sa drawer ang cellphone ko.

"Pinsan mo?"

Agad agad akong tumango. Oh no. Hindi ngayon.

"Twins?" he asked again.

"Yup" I tried to keep my cool sinubuan ko nalang sya ulit at iniba ang usapan.

"Bukas dito ulit ako kakain, mas masarap dito eh" kumindat pa sya sa akin.

Napansin kong magulo ang neck tie nya kaya hinawakan ko iyon at inayos, ramdam ko Ang panunuod nya sa akin.

Oh God, I miss those vigilant eyes.

Humawak sya sa bewang ko at humalik sa pisngi ko.

"I love you, so bad"

"Oo na, sige na pumasok ka na. Ilang beses ng nagriring yang phone mo baka kailangan ka na nila don"

"Hindi pwedeng kiss?" paglalambing nya, his eyes mirrored his adoration for me.

I tiptoed and kissed his forehead bago ko dinikit ang sarili ko sa kanya.

Yumakap naman sya sakin ng mahigpit at humalik sa ulo ko.

"Yun lang kiss ko, hal? Sure ka na? Ayaw mo sa--" sabay pout nya. I pressed my hand on his lips and I felt him kiss it.

"Binabaliw mo na naman ako" he said while pinching my cheeks. Nasa pinto na kami at kanina ko pa siya pinapalabas.

"Oo na, Zarette. Punta na dali" natatawa kong sabi. He winked at me before walking away.

It felt so good and surreal. Para kaming batang nagliligawan.

Hindi man kami totally ayos pero masasabi kong may improvement na nangyari sa kung anong meron kami.

I am slowly letting go of the past, nakaraan na iyon. I realized that I am back here in the Philippines for a reason.

Siguro para magkaroon kami ng closure o kaya naman para maayos namin ang gusot ng relasyon namin.

I am for the latter choice.

"Oh bakit ka nakangiti dyan?" binato pa ako ng throw pillow ni Prim. Paano kasi kanina pa ako kinukulit ni Zarette.

Nakauwi na ako at magpapahinga na. Kakadating naman nila mula sa mga lakad nila ngayong araw.

Paminsan minsan nalang sila umuuwi sa bahay bahay nila, ewan ko ba mas gusto nila magkakasama kami sa iisang bubong to enjoy life sabi nga ni Aveline. Isa pa para makabawi ako sa kanila, dalaaang taon rin nila akong hindi nakasama.

"Hal, kikiss mo lang naman ako sa text" yan ang huli nyang text sa akin na may emoji pang naka pout.

"Buang ka!" I replied.

"Katext mo si kuya ano? Wag mo na i-deny. Para lang naman syang baliw sa sala na nakangiti at hawak ang cellphone. Its you who can make him that happy" nakangiting sabi ni Prim.

"Hindi ko naman dineny ah?" I said with a smile.

Hinampas hampas nila ako ng unan ni Aveline, tawa lang ang ginanti ko sa kanila habang sinasalag ang mga mahihina nilang palo.

"Saglit may text eh" tumigil naman sila at tumabi sa akin, sinisiksik ako sa gitna.

"So? Hindi ba ako pwedeng magka privacy?" tumalikod naman sila kunwari pero alam ko mamaya ay nakatingin na sila.

Patago kong binasa ang text yumuko nalang ako para hindi nila mabasa.

"I miss you, everything about you Madox." humagikgik ang tatlo, na todo silip sa buhok ko.

"Makalabas na nga, wala man lang privacy dito" natatawa kong sabi.

"Sige bye!" natatawa nilang sabi.

Pagkalabas ko ay halos atakehin ako sa gulat. Naka sandal sa may hagdan si Zarette hawak ang isang bouquet ng flowers.

Nakaitim syang tshirt at basketball shorts.

"Kanina ka pa dito? Bakit hindi ka nag text? Buang ka talaga!"

"I sent them in. Alam nila na andito ako." hinapit nya ako sa bewang para yakapin ako.

Tinapik ko ang kanyang kamay at hinila sya papunta sa lanai.

"Hal, busy ka bukas? Date tayo?"

Napaisip ako kung busy ba ako bukas.

Wala naman akong ginagawa sa restaurant, audit lang at checking ng stocks. Minsan kapag may minor na reklamo na kelangan ako saka lang ako lalabas ng office.

"Ikaw hindi ka ba busy?" hindi na ako pumalag nang yakapin nya ako mula sa aking likuran, I even leaned my self closer to him.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon