Sixteen

1.8K 75 10
                                    

Love and hate

"Daddy! Ang aga mo ngayon ah?" humalik ako sa pisngi ni Daddy saka nag mano. He look so tired and unhappy.

"Anong meron daddy? May problema ba?" nagaalala kong tanong sakanya. Sumandal sya sa back rest ng couch at huminga ng malalim.

"Your lolo is in hospital" doon palang ay ginapangan na ako ng matinding kaba. My lolo is sick, mayroon itong liver cancer na nadiagnosed lamang noong nakaraang taon.

Lola and Lolo are residing in the states.

"He's in critical state, kailangan syang maoperahan as soon as possible. But don't worry too much hija, you can stay here at kami na lamang ng mommy mo ang pupunta" ngumuso ako at bumuntong hininga.

"But I will come if you need me, dad. Malapit naman na ang bakasyon." sabi ko, sumandal ako kay daddy at agad nya rin akong niyakap. Si Daddy ang paboritong anak nila Lolo, kaya naman malapit talaga sila.

Nagbook ng flight sila Daddy papuntang Vegas, at sa isang linggo na ang alis nila. Mamimiss ko sila ni mommy, pero hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nalayo sila sa akin.

Last year lang ay ilang buwan rin sila na nagbantay kay Lolo. Siguro ay bibisita nalang rin ako pagkatapos ng bakasyon, kahit isang linggo lang. Namimiss ko na rin kasi sila lolo at lola.

"Bakit ka nakasimangot dyan?" tanong sa akin ni Aveline, bumuntong hinga ako at ipinatong ang ulo ko sa aking mga kamay.

"Si Lolo kasi, critical daw sa ospital. Nagaalala lang ako" kilala na halos ni Aveline ang pamilya ko, alam nya na rin ang kalahati ng istorya ng buhay ko.

Malimit kasi syang nagkukwento ng mga pangyayari sa buhay nya, nakaraan man o kasalukuyan.

Madaldal si Aveline, parang ako lang. Kaya siguro nag click kami noong una palang.

"Sana gumaling sya. Wag ka na malungkot, gagaling si Lolo Theo." hinaplos nya ang likod ko bago sumandal sa akin. Sana nga gumaling si Lolo, sana talaga.

"Ano ba to, ang hirap ng spelling. Kainis!" bulong ko sa sarili ko

Nagbabasa ako ng libro habang naglalakad, minememorya ang bawat meaning ng mga salita para sa quiz mamaya. Ang hilig kasi ng Prof namin ng identification, minsan nakakainis na.

Napatigil ako ng may narinig na boses, ilang beses rin akong luminga para hanapin kung saan nanggagaling yun.

"Zacchaeus Everette" tawag ng pambabaeng boses. Nagkubli ako sa isang matayog at malaking puno habang pasimpleng sumisilip sa dalawang taong nakatayo sa harap ng swing.

Si Amaryllis at Zarette.

"S-sorry, nacarried away lang ako. I should call you chairman." paghingi nya ng dispensa. Dapat ba akong matuwa, magpasalamat dahil parang ako lang ang pwedeng tumawag sakanya sa kanyang pangalan?

"Sorry rin kung hindi kita sinagot noon, I was scared back then. Masyado pa akong bata, marami rin akong naririnig na playboy ka kaya dumoble ang takot ko. Ngayon, I have the courage.... But I'm not sure if you're still into me" napalunok ako sa narinig, tingin ko ay hindi ako dapat nandito.

May parte sa puso ko na gusto nang umalis, pero mas malaki ang parte na gustong makinig at alamin ang mangyayari.

"Gusto ko lang sabihin na gusto kita! Andoon pa rin yung saya kapag kasama kita, tulad noon na sinusuyo mo pa ako." napaupo nalang ako sa malaking ugat ng puno at doon pumikit.

"Chairman, I still like you. Do you still like me?" tila nabingi ako sa narinig. Napahawak ako sa dibdib kong naninikip.

Napapikit at napakagat labi ako habang hawak ko ang dibdib ko, I suddenly felt like I am not breathing at all. The oxygen from the tree isn't sufficient enough.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon