Thirty Six

1.6K 55 6
                                    

Hindi na nila namalayan na nakatulog na sila. Magkayakap sila at nagkasya sa couch.

Hindi na rin nila namalayan na pumasok si Manang para magdala ng meryenda nila. Napailing nalang ito at napangiti.


"Itong mga batang ito talaga hindi pa pinatay ang tv" sya na ang nag ayos ng mga ginamit nila saka pinatay ang tv.

Pagbaba ay nakasalubong nya ang mga kaibigan nila Zarette at Madox, bumati ang mga ito sakanya.

"Nasa entertainment room sila nakatulugan ang paglalaro"

"Sige po manang."

"Basta kapag pupunta tayo dito tulog sila" sabi ni Kiko.

"Pagod nga.... Sa trabaho" natatawang sabi ni Ely.

"Boys talaga" Aveline rolled her eyes.

"Okay lang yan, ready na ako maging ninang"

"Ako rin, gusto ko na magkapamangkin." Prim said with a tone of excitement.

"Girls talaga" sabi ni Ely na tila nang aasar, the girls rolled her eyes on him.

"Kayo din may iniisip eh" sabi ni Kiko.

Aveline rolled her eyes again trying to mask out her exhilaration too. Who can say no cute little babies? No one.

"Sige na nga. I want little babies too. Alam nyo naman kasi sa pamilya namin we are conservative." palusot nya nalang pero totoo namang konserbatibo ang pamilya nya hangga't maaari kasal muna bago ang anak.

"Kung gusto na bumuo nung dalawa nasa sa kanila na yun" sabi ni Kiko.

"Nag laro nga lang daw yung dalawa at nakatulog kadudumi ng utak nyo" natatawang sabi ni Ryan.

Napahalakhak sila habang nasa labas pa sila ng entertainment room hindi na sila kumatok pa diretso nalang sila pumasok, dahan dahan para hindi sila maistorbo.

"Dude kunin mo yung tekken" tinuro ni Kiko ang disc.

"Sa baba na tayo mag laro dude" ani Ryan saka kinuha ang disc, meron pang ps4 sa baba sila Madox. Yun yung pinakaunang ps4 nila pero kabibili lang nila ng bago para sa bagong gawang entertainment room.

Kinuha naman nila Aveline ang mga board games, monopoly, scrabble at kinuha pa ang uno cards. Maglalaro muna sila hanggang magising ang dalawa. Plano kasi nilang mag pool party, wala lang, gusto lang nila.

Alas siyete na ng gabi nang magising si Madox, she squinted an eye before finally opening the other one. Gising na si Zarette at naglalaro na sa kanyang cellphone, ayaw nyang maistorbo ang dalaga kaya kahit ngalay na ang kamay nya ay sinikap nyang wag gumalaw.

"Sorry, nabigatan ka ba? Nangalay ka na" hingi nya ng dispensa, Zarette turned his device off and shook his head.

"Its fine, para sayo naman"

She smiled and kissed the tip of his nose.

"Stop teasing me Madox" tila nahihirapan nitong sabi. "I am not teasing you mister" bumaba na sya at hinagilap ang tsinelas, tumayo na rin si Zarette at nag inat.

"Nag text sa akin sila Kiko, nasa baba na sila. Pool party daw trip nila ngayong gabi"

"Wala ba silang pasok sa trabaho?" natatawang sabi ni Madox habang nag aayos ng buhok.

"I don't know. Pwede namang hindi sila pumasok muna since sila naman boss sa mga trabaho nila" napatango nalang sya nang marealize nyang lahat pala sila ay boss ng mga kanya kanyang trabaho.

Itinatali ni Madox ang buhok nya habang pababa ng hagdan habang si Zarette naman ay nasa likuran nya.

"Bango ah, anong niluluto nyo?" Madox sat on a high chair, hinawakan pa sya ni Zarette para alalayan bago ito tumabi sa dalaga.

"Kare kare, umakyat kami kanina para mag tanong si Zarette ang gising kaya sya na nag suggest ng ulam" sabi ni Kiko bang kumuha ng kutsara at tinikman ang niluluto.

"Anong oras ka nagising?" tanong ko sa katabi ko. "Five o'clock" sagot nya, sinilip ko ang orasan at nakitang alas syete na.

Hindi ko maimagine kung gaano kahirap mag pigil na gumalaw kanina habang natutulog ako. Halos pitong oras din ang tulog namin.

"Sorry talaga, sana ginising mo na ako nung nagising ka na" bulong ko sa kanya.

"I'd rather have sore muscles from hugging you than disturbing your rest. I said its fine baby no need to feel sorry about that"

I love that he called me baby like its my name, I can't help but feel that romantic excitement just by hearing him call me sweet names.

"Nag celebrate ba kayo ng mother's day?" natanong ko, wala lang naalala ko lang. Nasa pool na kami at magkakatabi sa may hagdan habang naglalaro ng tubig.

"Oo nag lunch lang sa labas then nag date na sila ni Daddy" sagot ni Aveline ganun din naman si Ely.

"Sinurprise din namin ni Kuya si Mommy, pero dahil possessive si Daddy magdi-date din daw sila" si Prim.

"Skype call awhile back, nag padala nalang ako ng regalo for them" sabi ni Bree na hinahampas ang tubig. Sila Kiko at Ryan din nag skype call nalang at nag padala ng regalo. Well pare-pareho pala kami since nasa ibang bansa ang mga mommies namin.

I can't wait na makauwi sila mommy, ngayon palang excited na ako. Namimiss ko na rin sila ng sobra.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon