Thirty Two

1.7K 55 1
                                    

Thank you

"Mas gusto ko nito" turo ko sa kulay cyan. Gusto nya kasi ay black and white ang kulay ng pader ng restaurant.

Mas okay ang black at cyan para sa akin, masyado na kasing mainstream ang black and white.

"White and cyan? Or Black and cyan?" he asked.

"A combination of the two nalang? What do you think, Mal? Sa walls yung white and cyan, sa table cloth ang black and cyan?"

He nodded his head as a response, dinampian nya din ng halik ang ulo ko.

"How about the menu board? Gold and Navy blue?" tumango ako pagkatapos pagtabihin ang color gold at navy blue na nasa harap namin.

"Zarette" rinig kong tawag ng baritonong boses mula sa likod naming dalawa. Its Tito Zero. Napatayo ako ng wala sa oras at napayuko. He chuckled and tapped my shoulder.

"Good morning, Xochitl." he nodded his head before tapping Zarette's shoulder. "Dad" sabi naman ng isa pagkatapos niyang i-fist bump ang ama.

"Don't forget the family dinner later. Bring your... girlfriend too" tinapunan nya ako ng makahulugang tingin bago ngumiti.

Kaklaruhin ko palang sana na hindi ako nobya ng anak nya nang sumang ayon na si Zarette.

"I will surely bring Madox, dad. I'll bring the boys too. Yun lang ba dad?"

Tito Zero is so dreamy, no wonder bakit napakagwapo rin naman ni Zarette. Its all in the genes.

Napangiti nalang ako sa isip ko lalo pa at bigla nalang tumakbo sa utak ko ang mga ngiting iyon. So cute.

"Wear something black or white, hal. I'll pick you up at seven"

"Hindi ba nakakahiyang pupunta ako? I mean, yung pag iwan ko sayo? Alam mo na."

"It's alright hal, alam naman nila na may kasalanan din ako dun. Mom missed you so much even Zades and Zephrine are looking for you"

I sighed and bit my lip.

"Okay mal. I'll see you in an hour and half" humawak sya sa pisngi ko at humalik sa noo ko.

"Oh? Kakadating mo lang? May party tayong pupuntahan." nakaayos na silang tatlo habang ako kakadating ko palang ng bahay.

"Hindi naman kasi ako kasing tagal nyo maligo" I grinned.

"Nagsalita! Halos dalawang oras ka sa banyo girl, ano gora na!" sabay tulak sa akin sa banyo ni Aveline.

"Kami na bahala sa damit mo" sigaw ni Bree mula sa labas ng banyo.

Agad agad akong nagkarga ng tubig sa bath tub at naglagay ng paborito kong bubble bath. Kahit magbabad muna ako for thirty minutes.

Sinet up ko ang timer ko for thirty minutes para hindi ako mapasobra.

Maraming tumatakbo sa isip ko habang nakatingin sa kisame ng banyo ko na may mga glow in the dark stickers.

Iniisip ko kung tamang panahon na ba ito para sa amin? Ito na ba yung gusto ng tadhana namin?

Are we meant for each other? O nagkakilala lang kami pero hindi kami ang para sa isa't isa?

Mas ginusto kong isipin na kaming dalawa ang para sa isa't isa. We just have to give it another try. Last na ito, I will choose to give my all to make it work.

"Maddie! Madox, huy gising na dyan sa loob!" napabalikwas ako ng bahagya sa lakas ng kalampag at boses ni Aveline mula sa labas ng banyo.

Inabot ko ang phone ko at pinatay ang alarm, napasobra ako ng sampong minuto.

"Oo na, mag babanlaw lang" dumiretso na ako sa shower at doon nagbanlaw.

"Black shirt lang naman suot ni kuya kaya don't worry with your top"

"Paano mo nalaman na naka black shirt lang sya? Ikaw nga oh, akala mo may outfit of the night reward."

"Nasa baba na po kasi ang sundo mahal na reyna." sagot ni Aveline.

"Seryoso?" tumango naman si Bree "Pikit ka teh, kung ayaw mo mag smudge yang winged eyeliner mo" aniya. Pumikit naman ako at pinaypayan ang mata ko.

Naramdaman kong may nilagay si Prim sa aking buhok pagkatapos nyang kulutin ang dulo nito.

Dumilat ako nang pakiramdam ko ay tuyo na ang eyeliner, sinuotan pala nya ako ng flower crown.

My tres marias didn't fail me. I am blessed with talented hands, hindi ko napigilang yakapin sila and they giggled while patting my back.

"Okay, let's go downstairs na" aya ni Prim. I grabbed my sling bag and switched my lights off.

Napatayo si Zarette nang makita kaming pababa ng hagdan, I smiled and he smiled at me too.

Tumango sya nang mag hi ang mga girls sakanya, Prim tapped his shoulder and he kissed her head. I smiled just by looking at them, sobrang close nilang magkapatid.

I envy their sibling relationship, wala akong kapatid na kasamang lumaki.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon