Forty One

1.6K 53 2
                                    

Tahimik lang akong nanunuod kung paano nila i-set up ang cctv sa bahay. Si Ryan ang nagtuturo kung saan dapat ilagay ang mga ito para makakuha ng maayos na anggulo.

Nakatawag na rin si Zarette sa agency para kumuha ng security guard, dadating ang mga ito bukas.

Ang mga bata ay malayang naglalaro sa tabi ko, busy si Nyx sa pag suklay sa laruan nyang doll at si Kiel naman ay naglalaro ng laruang sasakyan nya.

I ruffled Nyx's hair bago nagpakawala ng malalim na buntong hinga.

"Mga anak sorry kung madadamay kayo sa nangyayari" bulong ko sa sarili ko. Kiel stood up and handed me his toy. Umupo sya sa lap ko at humawak sa kamay ko.

"Play mommy" aniya, ngumiti naman ako at pinagulong ang laruan nyang sasakyan sa sahig. "Sainyo ako kukuha ng lakas at tapang" pagpapatuloy ko.

Pinipilit kong maging matapang at matatag pero di nawawala ang takot sa aking dibdib. I know what Amaryllis is capable of, panigurado akong gagawin nya ang lahat makuha lang si Zarette sa akin. And I won't let her win this time. Akin si Zarette, sa amin sya ng mga bata.

Kahit saan ay may kasunod kaming body guards. Kahit ngayong cake tasting namin. Plano kasi ni Zarette ay before the year ends mga December 30 ang kasal. Tentative date pa lang naman.

Buhat ko si Nyx at si Zarette naman ay si Kiel. Nagkukulitan pa ang mag-ama ko habang naglalakad kami. But I felt Zarette's hand reaching for my hand.

"Cake! Cake! Cake!" Kiel chanted while waiting for the cakes. Mint chocolate, nutella, vanilla, fruit and chocolate cakes ang inorder namin. But I know that we will surely pick the nutella or the chocolate one dahil paborito ito ng mga bata.

"Kung gusto nyo naman ng hindi masyadong messy since you have kids we can always make white chocolate cakes naman." ngumiti si Tita Light, ang kapatid ni Tito Dark na kaibigan ng magulang ni Zarette.

Bata palang kami ay sa kanya na nagpapagawa sila Tita Penelope ng cake tuwing Birthday ni Zarette at Prim, Zades at Zephryne kaya sya nalang din ang kinuha namin para sa cakes sa kasal.

Our restaurant will of course sponsor our catering service.

"Oo nga po, our kids like to play while eating chocolates." sagot ko sa suhestyon nya. Mabuti na rin iyon, malikot ang kambal lalo na kapag kumakain si Kiel.

She smiled at me bago nag sulat sa kanyang notebook. "Okay then, next week pwede kayong bumalik para tikman ang gagawin kong cake para sa kasal ninyo"

She gave us a warm smile bago sinarado ang notebook nya. Bumeso ako at si Zarette bago kami nagpaalam kay Tita Light.

Nag take out kami ng cakes at cupcakes. Ang cake ay iuuwi sa bahay habang ang cupcakes ay dadalhin namin kay Baby Zeve.

Pag dating namin ay napansin ko agad ang upuan na nasa harap ng puntod ni Baby Zeve. Natandaan ko kasi na niligpit namin ang lahat ng ginamit na upuan bago umalis noong nakaraan.

"Hindi ba niligpit natin lahat?" tanong ko kay Zarette, nakakunot noo nito na tila ba nagtataka rin. Tumango sya at tila inalala ang huling bisita namin kay baby Zeve.

"Baka bumisita sila mommy o sila Prim" he reached for a chair at itinabi iyon sa upuan na hindi naayos. Tumango nalang ako dahil baka nga naiwan lang nila mommy Penelope yun.

"Hello there son" bati ni Zarette saka hinaplos ang puntod ni baby Zeve. Inilagay ko naman sa harap nito ang cupcakes at ang bouquet ng bulaklak.Hinaplos ko ang lapida at dinampian iyon ng halik.

Nagtagal kami doon ng thirty minutes, naglaro pa ang kambal habang kami ni Zarette ay nakaupo lang at nanunuod sa magkapatid.

Nagpalit ako agad ng damit at bumaba para kausapin si Zarette. Nasa harap sya ng kanyang laptop at may binabasang financial report, habang sila Prim naman ang lumalaro sa kambal. Pagkadating namin sa bahay ay andito na sila.

"Za, pwede ba tayo mag usap?" Umupo aKo sa armrest ng sofa chair na inuupuan nya at umakbay sa kanya. Isinantabi nya agad ang laptop nya at ibinalot ang isang kamay nya sa bewang ko, he pulled me at napaupo ako sa kandungan nya.

"Ano yun, hal?" he kissed my head at fixed my hair.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon