"Good Morning Ma'am Xochitl, tawag po kayo ni Chairman sa office niya" tumango lang ako kay Kuya Guard saka tinahak ang daan papunta sa office ni Chairman.
"Hoy taba!" Napalingon ako at nakita si Celine, Bea at Alex na nakapamewang. Pareho ang shade ng kanilang lipstick pati na rin ang style ng kanilang buhok. The mean girls are back, ilang araw ko rin silang hindi nakita.
"Uy, welcome back. Teka lang ha? Tawag ako ni Chairman. Bye!" Paalis na ako pero hinawakan ni Alex at Bea ang magkabila kong braso at hinarap ako ni Celine.
"Mga bes, iba ako bumigwas" I said, trying to scare them. Nanlaki ang mga mata nila saka sila bumigaw at tumabi kay Celine.
"I will make your life miserable" banta ni Alex, nahawak ako sa bibig ko at naghunwaring gulat at takot. "Kung malungkot kabataan nyo, wag kayo mandamay." Umirap ako at dumaan sa gitna nila, but Bea grabbed me by the arm.
Tinapik ko ang kamay nya at agad nya iyong inalis.
"Ano ba? Tawag nga ako ni Chairman." Tinaasan nya lang ako ng kilay saka ako sinampal.
Napatigil ako at napahawak sa aking pisngi, hindi pa ako nakakarekober ng sampalin din ako ni Celine sa isa ko pang pisngi.
Sinalag ko ang sampal na mula kay Alex, at ang isa pa mula kay Celine. Hanggang sa nakahawak na ako sa magkabila kong pisngi at napaupo na.
Naginit ang pareha kong pisngi mula sa mga sampal at sa mga luhang mula sa aking mga mata.
I don't deserve any of this.
No one deserves to be treated like this. Hindi ko alam kung bakit at paano ba ako napunta sa sitwasyon na to. Ang alam ko lang hindi ko to dapat nararanasan. No one should be bullied just because we are flawed.
Alam ko na napabayaan ko ang sarili ko pero hindi ko alam na kasalanan palang maging mataba.
Napaupo lang ako doon habang prinoprotektahan ang sarili ko, ilang beses ko ring naramdaman ang paghila nila sa aking buhok hanggang sa tumigil.
Napaangat ako ng tingin at nakita si Chairman na nakalahad ang kamay sa akin. I just sat there, feeling hopeless. Humagulgol lang ako habang nakahawak sa aking ulo na para bang may nagaganap na earthquake drill.
Naramdaman kong may tumabi sakin, tumahimik ang paligid. Hanggang sa parang pagod na akong umiyak. Wala ng luha na lumalandas sa aking pisngi.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko na nakalagay sa aking ulo na nagsisilbing proteksyon.
"It's okay I'm here" hawak hawak nya ang kamay ko habang binubulong sa akin iyon. I felt safe and somehow scared at the same time.
Ang isang kamay nya na nasa kamay ko kanina ay dumausdos pababa ng aking bewang at ang isang kamay nya ay humawak sa aking braso.
"Come on, Madox. Let's go"
Nagpahila nalang ako sakanya, my mind is not in it's best condition . Parang wala pang naproproseso ang utak ko.
Ang alam ko lang, hindi ko to dapat nararanasan.
I remained silent kahit andito na kami sa kubo, sya nakaupo sa harap ko at naghihintay kung anong gusto kong mangyari. Siguro, ganon.
"Madox" he called for my name, napatingin lang ako sakanya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.
He kneeled in front of me and slowly touched my cheek, napaigtad ako ng maramdaman ang haplos nya sa pisngi ko.
Para akong napapaso.
"Chairman, tumayo ka please? Why are you kneeling?" Hindi ko makilala ang boses ko sa sobrang garalgal.
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...