Two years...
"Rameeen!" tili naming tatlo, kakaserve lamang ng ramen at tonkatsu sa amin. Busy naman ang katabi ko sa pag cut ng iniluluto nyang barbecue.
"Dahan dahan, hal." aniya nang mapaso ang dila ko mula sa pagsubo ng ramen, agad nyang inabot ang ice cube na mula sa bucket at agad ko namang sinubo.
"Dahan dahan lang kasi, kakaluto lang nun hal." inihipan nya ang bowl ko. Tumango tango naman ako at inayos muli ang chopsticks ko.
"Hayyyyy!" sumandal ako sa upuan at hinimas ang tyan ko. Ganon rin si Aveline, Prim at Bree na busog na busog rin sa kinain naming sandamakmak na japanese foods.
Ngumiti lang ako kay Zarette na umakbay sa akin, sumandal ako sa braso nya at doon pumikit saglit.
"Thank you" I whispered. Naramdaman ko nalang ang halik nya sa sentido ko.
My best birthday ever, hindi ko man kasama ang mga magulang ko kasama ko naman ang mga taong tinuturing kong mga kapatid at syempre I am with the man who I love.
Bumalik na kami sa bahay nila, para lang itong bungalow na sobrang luwang.
Merong limang kwarto, dalawa dito ay kwartong kasya ang tig-apat na tao dahil may queen sized beds, ang tatlong kwarto naman ay may regular sized beds naman.
Bawat kwarto ay may kanya kanyang cr, connected ang pinto na nasa sala sa isa pang kwarto which is the entertainment room. Sa kaliwa ng sala ay ang dinning room.
"Regalo ni Daddy kay mommy to noong first year anniversary nila. Alam mo bang may bet kami ni Daddy tungkol sa bahay na to?"
"Hmm, ano naman yun?" umusog sya konti ng umupo ako sa gilid nya habang inaayos ang buhok ko.
"Sasabihin ko sayo kapag kinasal na tayo" ngisi nya.
"Tagal pa yun! Madaya!"
"Two years Madox, after two years." he winked. Umayos ako ng higa sa tabi nya at umunan sa braso nya.
"Do you think we're still together after two years?"
"I think, we're still together even after eighty years" napahikab ako sa pag haplos nya sa buhok ko, my heart fluttered at his answer too.
"Mahal na mahal kita, Mad. Ikaw lang noon, ikaw lang hanggang ngayon" siniil nya ako ng halik, halik na nakakalunod.
"Nakabalik na ako, namiss nyo ba ako?" she picked up leaves and threw them all away. Kumuha pa sya ng sanga at winalis ang ilan pang dahon at natuyong bulaklak na nagtatakip sa marmol na lapida na nasa harap nya.
"Ako, miss na miss ko kayo" her eyes began to water again, agad nya iyong pinunasan ng dala nyang panyo. "Sorry natagalan. Gaano na ba katagal? Its been two years na pala"
Kinalma nya ang sarili at muling nilinis ang lapida sa harap nya. Humalik pa sya sa isa bago umalis.
"Good morning maam, how's your flight po?" tanong sa akin ng aking sekretarya, itinaas ko ang aking sunglasses sa aking ulo at ngumiti lamang.
My eyes are bloodshot, una dahil sa mahabang flight mula vegas hanggang pilipinas, hindi na ako nakatulog sa byahe nang pitong oras nalang ang layo namin sa pinas.
Pangalawa, dahil na rin sa kaka cellphone ko habang nasa traffic, hindi ko naman pwedeng patayin ang phone ko dahil sa sandamakmak na tawag mula vegas at pati dito sa pinas.
Pangatlo... nevermind. I don't want to talk about it.
"It's okay naman Veron, ang inventory files nasa office na ba? And pakuha ng coffee please?"

BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...