Hindi ko alam kung bakit may dalang maliit na luggage bag si Zarette. Nagmamadali na kami para sa aming date night kaya hindi ko na natanong.
Pero ginapangan ako ng kaba at hindi ko mawari kung bakit. My palms are sweaty and my mouth went dry. Kiniskis ko ang kamay ko at bumuga ng malalim na hingina. I need to keep my cool, magdidate kami ngayon at dapat kalmado ako.
"Anong laman nung luggage?" usisa ko habang inaayos ang jacket ko. I didn't wear something fancy for our date, sabi nya kasi ay chill date lang naman ang si-net nya para sa aming dalawa. Lamig na lamig din ako, siguro dahil malapit na ang Ber months, o dahil kabado lang ako?
"Some clothes" tipid nyang sagot habang inaatras ang sasakyan papalabas ng gate. Seryoso syang nakatingin sa side mirror at sa gilid nya bago tumingin sa salamin na nasa gilid ko.
"What for?" pag uusisa ko pa. Kinuha ko ang suklay ko sa bag at inumpisahang pasadahan ang humahaba kong buhok. Kailan lang ay nagpagupit ako at mahaba na naman sya.
"We're going on a beach" napanganga ako at nabitawan ang suklay.
"Beach? Seryoso ka ba?" I gave him a look but he just smirked.
"Etong mukhang to, mukha bang nagbibiro?" natatawa nyang sabi. "Yung camera ko!" sigaw ko nang mapatunayang seryoso nga sya. Kung magbi-beach kami ay dapat lang na dala ko ang camera ko para makakuha ng magagandang litrato!
"Nasa luggage na. The girls packed it for you. No worries susunod rin naman sila, but I need to have solo time with you first" and then he winked at me before reaching for my hand.
Mag dedate kami sa beach! Yay! Napalitan na ng excitement ang kaninang kaba na nararamdaman ko. This night will surely be one of the books, hindi pa kami nagdate sa beach!
Sa malapit na beach lang kami nag punta, pagkakuha namin ng susi para sa aming room ay agad na din kaming pumanhik para mag pahinga sandali.
Sabi ni Zarette 8pm pa ang date namin, we have an hour to rest kaya tinalunan ko ang malambot na kama at niyakap ang unan!Kanina pa tingin ng tingin sa akin si Zarette na tila ba may gustong sabihin, pero kapag tinatanong ko puro wala ang sagot nya sa akin. Nawiwirduhan na tuloy ako sa kinikilos nya.
Hindi ko alam kung kabado ba sya, o may nagawa syang mali sa akin o kung may gusto ba syang sabihin sa akin.
"Zarette pumirmi ka nga. Bakit ba? Para kang sira dyan titig ka ng titig saka mo kakausapin sarili mo"
He sighed heavily saka sya tumabi at humalik sa ulo ko.
"Masaya lang ako. Pero kabado talaga ako" pahiga palang sya nang tumunog ang cellphone nya. Tumayo sya at sinagot ang tawag.
Weird, dati naman sinasagot nya ang tawag kahit magkatabi kami ah?"Tara na daw sa baba" aya nya. Sinipat ko ang orasan, ang sabi ay isang oras pa ah?
"Teka mag bibihis lang ako. Beach side yun diba? Wait" nag halungkat ako ng pwedeng masuot sa dala dala nyang luggage. Nakahanap ako ng isang puting dress at iyon na ang isusuot ko. Madaling madali akong nagtungo ng banyo at nagbihis.
Konting suklay, polbo at lip tint lang ang ayos ko, I don't have my girls with me kaya wala akong glam team.Kung bakit kasi sabi ay isang oras pa pero biglang tumawag para sabihing bababa na kami? Ganun ba kabilis ang isang oras sa lugar na ito? I silently laughed at my own thoughts.
Pag labas ko ay marami ng rose petals sa kama, ganun ba ako katagal mag bihis? Kinuha ko ang camera ko na iniwan ko sa lamesa at kinunan iyon ng litrato. Balak ko kasi ipa-develop ang mga litrato namin ni Zarette at ilagay iyon sa isang album.Nasa labas na ng kwarto si Zarette at nakaupo sa isang wooden chair. Nang makita ako ay agad itong tumayo at lumapit sa akin saka nag ipit ng bulaklak sa tenga ako. I smiled widely and gave him a tight hug.
"Let's go beautiful" inalalayan nya ako pababa ng hagdan saka ako hinapit sa bewang.
May naka set up na table sa may lilim na parte. Madami namang nakapaligid na jars na lighted with candles kaya mukhang romantic ang ambience kahit medyo madilim.
May lumapit sa table at sinindihan ang candles. Ipinaghila ako ng upuan ni Zarette at hinintay ako makaupo.
"Romantic ka na ngayon?" nakangiti kong sabi, romantic naman sya noon pero sumobra ata ngayon.
"Para sayo" and he winked at me, may kinuha sya sa likod nya at isang bouquet of flowers iyon.
"Thank you" pigil kilig kong sabi but deep in side me gusto ko na mag cartwheel sa mars.

BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...