Jealous
Sa isang sikat na five star hotel and restaurant nya ako dinala, inalala ko hindi ko nakuha ang cellphone at wallet ko kaya wala akong kawala ngayon.
He ordered for us, ang mga paborito ko ang kanyang inorder. Gustong pumalakpak ng tenga ko sa tuwa, lalo na ng abutan nya ako ng isang kulay asul na rosas na hindi ko alam kung saan nya hinugot.
Para ulit akong si Madox noong college na todo kilig kahit isang tingin nya lang sa akin.
"Two years, Madox. How's life?" panimula nya, nilunok ko muna ang nginunguya ko at uminom ng juice.
"Okay lang naman ako, okay na ako" I smilled bitterly at him.
Tumango naman sya.
"Kamusta kayo ni Daevon?" kumunot ang noo ko sa tanong nya. "Binisita kita sa Las Vegas, and I saw you two hugging before you waved at him good bye." napalunok ako at napainom ulit ng juice.
Binisita nya ako? What? Pilit kong inalala kung kelan ko ba huling nakita si Daevon, sya ang isa sa mga naging kasama ko sa Las Vegas noon.
"That was three months ago" aniya, nakahinga ako ng maluwag.
"We're okay." tumango naman sya "I mean, we're friends so we are good" paglilinaw ko, ewan ko ba kung bakit kelangan kong linawin iyon.
"Ikaw? Kayo ni Amaryllis?" tila tumabang ang lasa ng kinakain ko, tumabang din ang juice, tumabang din ang mood ko.
"Ikaw lang naman ang nag iisip na kami, kahit i-explain ko pa ngayon Madox would you listen? Would ypu believe? Hindi diba? So don't ask" ngumiti sya ngunit hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang mata.
"But I hope one day you'll listen wholeheartedly to my side too. Hindi yung puro iwas nalang, hindi yung puro takbo lang. Kelangan mo rin akong pakinggan"
"Nung gusto ko ng makinig ano bang ginawa mo? You pushed me away, Zarette. Hindi ako umiwas, hindi ako tumakbo, tinulak mo ako palayo"
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, hininaan ko rin ang boses ko para hindi kami marinig ng ibang tao."Pero hindi ba ganun rin naman iyon, Madox. You pushed me away everytime I'm on my knees begging you to listen to me. Tinalikuran mo ako habang nakaluhod ako sa harap ng maraming tao, pinagsasarahan mo ako ng pinto kapag nasa labas ako ng kwarto mo" uminom sya sa kanyang baso saka kinagat ang pang ibabang labi nya, I tried to restrain my self to stand and walk away.
"I sent you away because I grew tired of you pushing me away, napagod rin ako pero hindi ibig sabihin non gusto ko ng tumigil. Kinabukasan wala ka na, nakalipad ka na agad paalis ng bansa. Iniwan mo na naman ako, sa di ko na mabilang na pagkakataon."
"Hindi mo man lang naisip na baka nasasaktan rin ako? That I need a break from all of the shits and rejections too. Pero andito pa rin ako, Madox. I'm just here"
"I just wish you knew how much it destroyed me when you left me alone and I needed you the most" his voice cracked and my heart constricted that it hurts so much.
"Gusto ko ng bumalik sa office" pag putol ko sakanya, I'm still not ready for this. Hindi ko alam kung kelan ba ako magiging handa.
Nasasaktan ako, nasasaktan parin ako tuwing naaalala ko yung nangyari.
Umiling lang sya bago naglapag ng pambayad sa kinain namin saka sumenyas sa waiter na aalis na kami.
Gustong gusto ko ang amoy ng loob ng kanyang bagong sasakyan, it smelled like him. Manly and fresh.
Naalala ko nakailang bili ako ng maliit na bottle ng perfume nya noong nasa vegas ako, gustong gusto kong i-spray iyon sa unan namin.
Tahimik lang kami sa sasakyan, sa sobrang tahimik ay nakakarinig na ako ng kung anong tunog na nililikha ng utak ko.
Hinatid nya ako hanggang sa aking opisina, hindi nakaligtas sa akin ang ilang pag tingin ng mga empleyado namin sa amin, lalo na dito sa kasama ko.Napapalingon ang ilang mga serbidora, crew at pati mga kumakain.
And its aggravating fpr an unknown reason. Naiirita ako na napapansin sya ng mga tao, lalo na ng mga babae. Hindi ko alam, basta naiirita ako!Nag paalam ako sakanya nang nasa harap na kami ng aking office, hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako.
"May dalawang bagay akong nakalimutang ibigay sayo"
"Ano yun?" tanong ko.
Inabot nya sa akin ang isang kulay brown na envelope na may nakalagay na pangalan nya sa likod.
"Aanuhin ko to?" But he kissed my cheek instead.
Naiwan ako doon, tulala, nakahawak sa envelope ang isang kamay at ang isa ay ang pisngi kong hinalikan nya. Tila may karera na naman ng mga kabayo sa dibdib ko, damn it!
Katulad ng tibok ng puso nya ay hindi rin sya mapakali. Hawak nya ang envelope na makakapagsabi sakanya ng katotohanang gustong gusto nyang malaman.
But she's still the same coward, Madox. Takot na takot sya sa katotohanan, because the truth can hurt us too.
"Shit, sa bahay na nga lang." she told her self.
Hindi naman talaga umalis si Zarette, nasa parking lang sya at tinitingala ang dating kasintahan.
Pinili nyang mag parking sa parteng iyon dahil mula doon ay nakikita ang dalaga dahil sa tapat ng bintana ang table nito.
Nakita nya kung paano pagmasdan ng dalaga ang envelope, kung pano nya ito ipinaypay sa sarili at bakas sa mukha nito ang kaba.
"She's damn beautiful" aniya sa sarili.
Hindi nya naman gustong magalit sa dalaga kanina, pero kahit sya na ang tumatawag para itanong kung bakit kanselado na naman ang meeting ay tila walang pakealam ang dalaga doon.
Naghalo na ang lahat, ang stress mula sa palpak na financial meeting, sa pagiisip nya kay Madox at ang pagkansela nito ng mga meetings nila.
Like she wants to drive him off again. For the nth time.
And God knows how he repressed his self from telling her everything. Gusto nyang sabihin sakanya ng harapan, yung isang bagsakan lang. Lahat ng sakit, katotohanan.
Alam nya sa sarili nya na kahit bulyawan nya pa si Madox ay hindi ito makikinig.
"I'm always Yours" bulong nya sa hangin bago sumakay sa kanyang kotse.
Kanina pa nagngingitngit si Zarette sa tabi, bulong ng bulong tapos kapag tatanungin ko kung bakit magsusungit.
"Kung hindi lang para sa business namin kanina pa ako nag walk out" sabay roll eyes ko sakanya.
"Tss" saka sya bumulong ulit, God knows how I want to spank his face right now.

BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...