Forty Six

1.3K 39 3
                                    

Nagparoom service nalang kami para sa aming late breakfast slash lunch. May dala dala pang paper bag si Zarette na naglalaman ng damit na pwede kong isuot pauwi.

"Mahal ko, saan mo gustong mag honeymoon pagkatapos ng kasal?" napainom ako ng tubig at sumandal ako sa upuan.

"Zarette katatapos lang natin" nakangiwi kong sabi sa kanya, humalakhak sya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"I'm talking about our honeymoon, love. Chill uuwi na tayo pagkatapos mong maligo" tapos na syang maligo but he's only wearing his shorts. Naka topless sya dahil sabi nya ay naiinitan sya.

"Unless you want more" he wiggled his eyebrows and flashed a naughty smile, I rolled my eyes and stuffed my face with my food instead.

On our way home ay dumaan kami sa bakeshop ni Tita Light para ibilhan ng pasalubong ang dalawa naming chikiting. Kila mommy sila natulog, sila Prim naman ay nagparty daw sa bahay.

"Love." humalik sya sa kamay ko habang nagmamaneho. "I miss you already" ngumiti ako at humalik rin sa kamay nya.

"Iloveyou Zarette. Itong kamay na to, hindi ko to bibitawan. Thankyou for making last night magical" he winked at me and bit his lips.

"All for you" natahimik na kami buong byahe. Tahimik at mapayapa, panatag na magiging maganda ang mga susunod na bukas.

We care less of what might happen tomorrow dahil sigurado kami na meron ang isa't isa para gumabay at pagkuhanan ng lakas at tapang. Zarette will always be my strength, my armor. Hindi ko maimagine yung buhay ko na wala sya, the years without him was a nightmare at ayokong mabuhay ng ganun.

"Madox! Tara na, late na tayo!" sigaw ni Aveline habang pababa ng hagdan. Nagmamadali na sila dahil malilate na sila sa Binyag ng kambal! Girls are girls,matagal maligo at matagal mag ayos.

Mabuti nalang at nauna na si Zarette at dala dala na ang dalawang bata. Nagmamadaling bumaba si Madox habang inaayos ang kanyang sling bag.

Sa sasakyan ni Kiko sila sumakay, all of them are wearing formal attires at may bulaklak pa sa dibdib si Kiko. While Aveline and Prim has flower bracelets on their wrist.

"Uy, bat may bulaklak kayo ako wala?" Tanong ni Madox. Nagtinginan ang mga dalaga at tila nag isip pa ng isasagot.

"Kasi ikaw ang mommy" sabi ni Prim. Sumang ayon naman sila kaya napatango nalang si Madox. Tama nga naman, minsan sa mga events ang mga bisita ay may mga ribbons or flowers.

"Dapat kasi sabay nalang kami ni Zarette eh" she pouted and leaned on the window. "Bagal mo kasi te" pang aasar ni Breana. Madox rolled her eyes.

"Hindi ah, maaga lang syang nagising!" Depensa nya sa sarili. Pero ang totoo ay late talaga syang nagising at bumangon. Nagising nalang sya na may mga bulaklak sa tabi nya at ang isang puting gown.

Lately ay gusto nya lang matulog, kumain, humiga, umupo, magpahinga kahit di naman sya pagod. The feeling was so familiar pero hindi nya maalala kung ano ba iyon. PMS, marahil iyon lamang.

"Alam nyo ba nababother na ako, hindi pa rin sinasabi sa akin ni Zarette kung kelan nya minove yung kasal" nakahalukipkip nyang sabi. Suddenly Prim bursts into laughter, natigil ito nang marealize na titig na sa kanya si Madox.

"Ay sorry, nakakatawa lang text sa akin ni Ely" palusot nya, kahit wala naman talagang text si Ely.

Ngumuso si Madox at sumandal sa bintana. "Ayaw nya na yata akong pakasalan" may bahid ng pagtatampo nyang sabi.

"Gusto nya kasi planado, don't worry I already know the details of it. Malapit na" sabi ni Kiko. Tila nabuhayan sya ng loob at napapalakpak pa.

"Talaga? Mabuti naman. Hay akala ko talaga ayaw nya na. Nakakainis sya! Gusto pa kasi surprise!" Napanguso syang lalo nang magtawanan ang lahat sa loob ng sasakyan.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon