Thank you...
"One last jump, alright now stop" pero humirit pa ako ng tatlong talon bago huminto. Nag jumping rope kami ngayon, fifty jumps sa akin at isang daan yata ang kanya nakalimutan kong bilangin.
I lost 5 kilos already, sa dalawang buwan naming continous work out session ay tila hinahanap hanap na ng katawan ko ang excercise.
Pero malakas parin akong kumain. Hehe
Kinuha ko ang phone ko ng makitang umilaw ang screen nito. Si Daevon!!
Inaaya nya kasi akong mag dinner bukas kaya naman todo papawis ako ngayon. Nanghihinayang parin ako sa binigay nyang graham cake sa akin nung nakaraang linggo naiwan ko kasi sa ref ng school.
Zarette went straight to the couch at doon pabagsak na umupo habang hawak hawak ang isang bote ng mineral water.
"Daevon? " tanong nya habang nakataas ang kilay, binuksan nya ang bote ng tubig at uminom.
"Yep. Dinner daw kami bukas" masigla kong sabi habang tumatalon pa at napapapalakpak sa kilig hanggang sa makarinig nalang ako ng pagbagsak ng pinto.
"San punta nun? Mr. Serious black na naman sya" napapailing kong sabi, pumasok nalang ako sa banyo nila at nakishower.
Masigla akong bumangon ng umagang iyon, I am more than energetic. May dinner date kami ni Daevon!
Wala akong mapaglagyan ng kilig, hindi ko alam paano ako gagalaw mamaya kaya naman naisipang kong humingi ng tulong kay Prim.
Sya na rin ang pipili ng damit ko at magaayos sa akin, aniya ay pupunta pa kami ng salon para makapagpaayos ng buhok at makapagpamanicure at pedicure.
Napakakikay talaga ng aking kaibigan, lagi nya nalang akong nahihila sa mga ganyan, pamper time sabi nya nga.
Katatapos ko lang maligo at magpalit ng kumatok at sumilip si Manang Lelay, sabi nya ay andyan na daw ang sundo ko.
Sundo?
Yung driver ba nila Prim? Sabagay okay na rin iyon, wala si Manong ngayon eh. Balak ko pa sana mag cab pero since may sundo na, doon nalang ako.
Napatigil ako sa gitna ng hagdan ng makita si Zarette hawak ang isang baso na puno ng tubig habang prenteng nakadekwatro sa aming sala.
His eyes squinted after seconds of looking at me, saka sya umiling.
Pababa na ako ulit ng tumayo sya kaya umiling muli "Go and change" diretsyo nyang sabi.
Pinasadahan ko ng tingin ang damit ko, nakashorts at long sleeved na off shoulder ako. Wala lang, I just feel so beautiful today.
"Hindi mo ba ako narinig? Gusto mo bang ako ang magbihis sayo?" Masungit nyang sabi ng makalapit sya sakin. Tumaas ang kilay ko saka ngumuso.
"May mali sa suot ko?" Binabasag nya ang trip ko, ngayon na nga ako magfifeeling maganda eh!
"I don't want you to show some skin"
"At bakit aber? " tinapatan ko ang kasungitan nya, tinaasan ko din sya ng kilay.
Nanlambot ako ng ilapit nya ang mukha nya sa akin, the tip his nose is touching the tip of mine.
"Kasi ayoko. Just change. Now" tinulak nya ako paakyat, I was stunned kaya napasunod nalang ako.
Nagpantalon nalang ako at nag tank top. Pinatungan ko na rin ng cardigan.
Why is he so conservative? Kung kelan feel na feel kong maganda ako saka sya ganon. Hays.
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...