Nineteen

1.7K 59 18
                                    

"Nagugutom na talaga ako, tara na" hila ko sakanya, break time na at kanina pa nagwawala mga alaga ko sa tyan.

Napatigil ako ng may umapak sa sintas ng sapatos ko.

"Masyado kang nagmamadahil, Hal" yumuko sya at sinipat ang sapatos ko.

Tumingin ako sa paligid, marami ng tao, marami rin napatigil at nanunuod sa eksena namin.

Nakangisi si Aveline na lumapit sa akin.

"Stand still, hal" aniya at tinali ang sapatos ko.

Napangiti ako sakanya nang ngumiti sya sa akin, he pinched my cheeks before kissing my forehead.

May ilang tumili, may ilang kinilig, may ilan ring napairap at iling.

"Kayong dalawa, eksena kayo!" kinikilig na sabi ni Aveline habang nakapila kami. As usual Zarette is holding my tray, sya rin ang nagbabayad kahit anong insist ko.

Hindi nya nalang kasi ako pabaunan rin para di na nya ako kelangan pang bilhan pa ng food.

"Saka ano yung "hal"?" saka sya nag quotation mark sa ere. Nagkibit balikat ako, paano kung makatanong ay parang wala si Zarette sa tabi ko.

"Halimaw, yun sabi nya" walang ano ano ay humalakhak si ate girl! Luminga linga ako at napailing, halos lahat ay nakatingin sa kanya at hindi pa sya tumitigil sa kakatawa.

In just a snap ay tumigil ito at naningkit ang dati ng singkit na mga mata.

"Jinja? (Really?) neo juggo sip-eo? (Do you want to die?)" he glared at Zarette before walking towards our seat.

Jinja lang ang naintindihan ko, meaning non ay really.

Wala lang ekspresyon si Zarette, nasa balikat ko ang isa nyang kamay at ang isa ay hawak ang tray ko.

"Aigoo, isang linggo nalang makakalaya na tayo dito. Anong plano sa summer? Drawing ba?" tanong ni Aveline.

"We're going to the states" sabay tingin sa akin ni Zarette, tumango ako. Iyon naman ang plano talaga, but I've changed my plans. Una akong aalis, gusto ko sumunod sya kung kelan nya gusto basta bigyan nya ako ng isang linggo para makapagisip.

"Balik rin kayo, hangout naman tayo." si Kiko.

"ilang weeks ba tayo don, hal?"

"A month siguro, what do you think?" tumango naman sya sa suhestyon ko.

"So ano nga yung hal?" tanong sakin ulit ni Aveline, kami nalang tatlo ni Prim. Something came up kaya naman agad na umalis ang apat na magbabarkada.

"Hindi ko nga alam, basta isang araw sabi nya nalang na yun ang tawag nya sa akin." kibit balikat ko.

Bumuntong hinga ako at nagisip ng malalim. Should I tell my friends now? Dapat. Sigurado ay sa mga susunod na araw lagi ko ng kasama si Zarette.

"Sana maintindihan nyo ako." panimula ko. Lumapit sila at tila handang makinig sa anumang sasabihin ko.

"Kelangan kong umalis, kelangan kong iwan si Zarette"

"What? Are you kidding us?" tinakpan ko ang bibig ni Aveline, ang daming napatingin sa amin dahil sa pagiging oa nya!

"Ano ba Aveline, patapusin mo muna ako pwede?" she tssed before folding her arms. Daig pa nito si Prim na kapatid pa ni Zarette.

Unti unti kong pinaintindi sakanila kung bakit, ikwinento ko na rin ang lahat, bawat detalye ng nakita ko.

Masakit mang balikan iyon lang ang paraan para kahit paano ay valid ang rason para iwan ko si Zarette pansamantala.

"I think you should go" walang ekspresyong sabi ni Prim, I've never seen her like this, impassive. Tila walang pake na kapatid nya ang iiwan ko.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon