Fourteen

1.8K 74 14
                                    

Bite and conceal...

"Manong, tara na po" sabi ko bago ako naghikab. Antok na antok na ako, feeling ko any minute ay babagsak ako dahil sa antok.

"Maam, si Sir Zarette na raw ho ang maghahatid sainyo. Si Maam Prim po ang ihahatid ko" nawala ang antok ko sa sinabi ni Manong, napalingon nalang ako ng may bumagsak sa balikat ko na coat.

Napabuntong hinga nalang ako ng makita si Zarette na seryoso, he looked away bago sya lumunok at tumikhim.

Ibang iba ang tingin ko sakanya ngayon lalo na at nakaputing polo sya at red na necktie, magulo na ang pagkakakabit ng kanyang neck tie at magulo rin ang kanyang buhok.

"I'll drive you home." walang emosyon nyang sabi, dala na rin siguro ng antok ko ay sumama na ako sakanya.

Katulad ng dati ay pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang makaupo, bahagya nyang pinahiga ang upuan ako bago nya ikinabit ang seatbelt.

Pumikit ako at sumandal sa upuan, sana ay bilisan nya ng kaunti ang patakbo dahil baka makatulog ako dito sa kanyang sasakyan.

Hawak hawak ko ang lahat ng natanggap ko ngayong gabi, naisip ko tuloy kung may flower base pa na pwedeng paglagyan ng mga bulaklak.

Napadilat ako ng hawakan nya ang kamay ko, seryosong seryoso syang nagmamaneho. Huminga ako ng malalim at pumikit ulit.

"Shit, you're driving me crazy" rinig ko ang paghampas nya sa manibela. Napapitlag ako sa gulat dahil sa busina nya.

Ilang beses akong lumunok at umiwas ng tingin, alam kong kakausapin nya ako ngayong gabi. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag o kung paano ko sasagutin ang lahat ng bakit.

Kasi kahit ako, kahit sarili kong tanong wala akong sagot.

"Stop ignoring me, Madox. This is making me crazy. What went wrong? Ano bang nagawa kong mali? You can tell me everything right? You promised"

Huminga ako ng malalim at umayos ng upo, nanlamig ang kamay kong kanina nya pa hawak.

"You can give me the lamest reason, I don't care. I just want to know why are you avoiding me" humalik sya sa kamay ko, nanlambot ang puso ko, umiwas ako ng tingin at pinaypayan ang sarili ko.

"Wala ka namang ginawang mali, ako yung may mali. Maybe because I assumed too much, and I am so insecure"

"You're not assuming things, Madox. I told you I love you, and I gave you every right to own me and feel my feelings for you"

Naghalo ang antok at ang pagkafrustrate ko sa nangyayari, sumakit ang ulo ko at gusto ko ng lumabas sa kotseng ito. It's smothering me.

"Pero ako nga ba yung para sayo? Amaryllis is the best choice! She's everything a man like you could ask for!" his jaw clenched, nagtaas baba rin ang kanyang adams apple.

"Ikaw ang gusto ko!-- " Siguro ginusto mo lang ako kasi sinabi kong gusto kita? Maybe you're being too extra nice to me, trying to reciprocate my feelings for you. Paano kung ganon pala, Zarette? Paano kung gusto mo lang ako dahil gusto kita?"

Ang kaninang malambot na ekspresyon nya ay naging seryoso. Binitawan nya ang kamay ko, his jaw clenched again and he looked away.

"Do you really think I am that shallow?" he sounded so calm but I can hear anger from his voice, this car is suffocating me big time! Wala na akong sagot at maisasagot pa, I am too tired for this.

"Leave, Xochitl" my heart constricted after hearing him calling my name, napahawak ako sa dibdib ko bago ko binuksan ang pinto at lumabas sa kotseng iyon.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon