Seventeen

2K 69 13
                                    

Hal

"Lasagna and carbonara please? And one iced coffee" order ko, may hawak na tray si Zarette at doon nilapag ang tubig na binili nya.

"May ref ka naman ah? Wala ka ng mineral water doon?" tanong ko sakanya.

"Magdedeliver palang mamaya. Yun lang ba gusto mong food? May cake sila dito" sabay turo nya sa blue berry cheesecake, nakalabi ako at tinitigan ang cake. Pero kasi... Calories.

"Hindi na, ito nalang" Umiwas na ako ng tingin sa cake at nilagay ang kakaserve na food sa tray.

"Medyo nalungkot ako para kay Amaryllis" sabi ko, binaba nya ang hawak nyang kutsara saka kumuha ng tissue.

"Sinusubuan na nga kita, para ka talagang baby. Madame baby!" saka nya pinunasan ang gilid ng aking labi.

"Uy, may sinabi ako. Nalungkot ako para kay Amaryllis" bumuntong hinga sya at sinubo sa akin ang kutsara na may lasagna.

"Naalala mo nung unang beses natin sa kubo? And now you know, it pains me to push away girls like her. Nalungkot rin ako, pero hindi dapat mag take advantage dahil lang alam mong gusto ka ng babae" he handed me a bottle of water.

"Its hard to push them away, but it is harder to fake your feelings for them." patuloy nya.

"Wala ka pang pinaasa?" usisa ko pagkatapos nyang magsalita.

"Mas okay na yung umpisa palang sasabihin mong ayaw mo na. Its better that way than to lead them on. Better than to make them feel that you're willing to reciprocate their love back" ngumiti ako at kinurot ang pisngi nya.

"So deep, I can't swim" biro ko. He ruffled my hair saka ulit hinawakan ang kutsara para subuan ako.

"Sabi ko kasi sayo stun! What the hell! Stun nga, yung pangalawang power! Gamit gamit ka ng eudora di ka naman marunong!" bulyaw ni Aveline kay Kiko, andito kami sa office ni Zarette ngayon.

Ako, si Zarette, Aveline, Adeline, Prim, Kiko, Ely at Ryan.

Napapasapak nalang ako nang noo sa bangayan ng dalawang ito. Naglalaro kasi sila nang mobile legends at magkasama sa isang team.

Hindi ko alam kung kelan natuto si Aveline, basta ngayon todo kantyaw na sya kay Kiko.

"Ikaw nga lahat ng kills ko inaagaw mo!" bulyaw pabalik ni Kiko.

"Eh paanong di ko maaagaw mas magaling ako sayo. Suck it up loser!" ganti ni Aveline.

"Hay, ang sakit na ng ulo ko." bulong ko, agad naman hinawakan ni Zarette ang ulo ko at sinandal iyon sa balikat nya.

He's currently working for a report. Magkatabi kami sa kanyang table, ang isang kamay nya ay nasa likod ko at ang isa ay nasa keyboard.

Naawa tuloy ako sa sitwasyon nya, pakiramdam ko ay ngalay na sya ayaw nya lang ipahalata.

"Malapit mo na ba matapos?" Tanong ko sakanya, tumango sya at tutok ang mata sa computer nya.

Inagaw ko ang mouse sakanya at pinunta sa settings para babaan ang brightness.

"Ako nabubulag sa taas ng brightness mo eh" ngumiti lang sya at mabilis na dinampi ang labi nya sa akin, awtomatiko naman ang kamay ko sa paghampas sakanya. Nilinga ko ang paligid para tignan kung may nakakita ba.

"Whoo MVP!" sigaw ni Aveline saka sya pumalakpak pagkatapos ay inirapan si Kiko na halatang inis na.

"Ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko. Ikaw na ang bahala sa sakanya. Pero...kapag nasaktan ang dalaga ko babaliin ko ang pinagusapan natin" iyon lang ang narinig ko mula sa kusina.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon