Thirty One

1.7K 73 2
                                    

Take me back...

"Hindi.... Hindi mo anak?"

"Yes, Madox. Hindi ko anak yung dinadala ni Amaryllis noon. Wala na akong pakelam kung may nangyari ba o wala noong lumabas ang resultang iyan"

Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ang papel na naglalaman ng resulta ng DNA test nya kasama ang pinagbubuntis noon ni Amaryllis.

"She tried to give me a fake copy of the result, gusto nyang palabasin na anak ko ang dinadala nya. That was the day when you went to our house, sobrang devastated ako that I opted to push you away to give my self a break"

"Ryan hacked the system, hanggang sa nahanap nya kung ano ba talaga yung resulta, at kung paano namin nakuha nandyan yan lahat sa envelope na nasa harap mo. You can watch it anytime,hal"

Tila kinukurot ang puso ko habang paulit ulit na binabasa ang nakasulat sa papel na hawak ko.

"This means that Mr. Zacchaeus Everette Yu O'brien is not the Biological father of Zac Evander Contreras"

Nakatulog ako sa kandungan nya dahil na rin sa pagod kakaiyak. Tumingala ako at nakitang nakatulog rin sya at nakasandal sa throw pillow.

Gumalaw sya ng bahagya nang bumangon ako, ngunit nanatili syang nakatulog.

"I'm sorry. I'm sorry."

Hindi ko sya pinaniwalaan, tinalikuran ko sya, iniwan. Alam na alam ko rin yung sakit sa bawat insulto, mura at masasakit na salitang nasabi ko sa kanya.

Hindi ko man lang sya pinakinggan. Hindi ko man lang inisip na baka, baka lang naman biktima lang rin sya.

Namuo sa puso ko ang galit para kay Amaryllis, I want to give her a bitch slap, yung magkabilaan. Gusto ko syang bigyan ng international na sampal, yung tipong iikot ng three hundred sixty degrees yung ulo nya dahil sa lakas ng sampal ko.

But that won't do me any good.

May kasalanan rin ako. I left when he was broken, I left when he needed me the most. I judged and I've wronged him.

But he's here, asking me to forgive him. When I should seek for his forgiveness too.

Hindi ko maimagine yung sakit na pinagdaanan nya para maayos kami, para mabuo nya ulit yung sarili nya. He lost me and he lost himself. Hindi ko alam kung matino pa ba ako kung ako yung nasa kalagayan nya.

Halos hindi ko rin alam kung paano ako aahon magisa noon. I was broken too when I saw them at the extention room. Nakayakap sakanya ai Amaryllis habang tulog na tulog, they were both naked.

Nanlamig ako at nanghina, I can't even utter a single word. Tumatakbo lang sa isip ko noon ay gusto kong magwala at pagmumurahin silang dalawa but I was too weak, sa sobrang sakit parang nanghina ang katawan ko.

I ran away, nagkulong ako sa kwarto, ilang araw akong walang tulog kakaiyak. Sa mga kung ano lang na nasa mini ref ko sa kwarto ang kinakain ko.

Bumagsak ang katawan ko, may morning sickness ako nagsusuka kapag umaga, hilo buong araw. Nakakulong lang ako sa kwarto dahil alam kong nasa labas lang sya at naghihintay.

He comfronted me once, lumuhod sya sa harap ng maraming tao, he tried to explain, he cried, he begged but I was expressionless.

I left him there alone, on his knees, crying.

Sa classroom noon nagdala sya ng paborito kong cake at balloons, binalibag ko sa kanya yung cake. Ang malinis na si Mr. Serious Black dinumihan ko.

Alam na alam kong badtrip na sya noon, but he smiled bitterly at me.

"Magalit ka lang, hal. Kahit magalit ka lang basta may nararamdaman ka para sakin. Kahit galit lang yun. Okay na ako." and he left the room, ang sama sama ng tingin ng lahat ng mga kaklase namin. Hinabol sya ni Prim noon, inilingan lang ako ng mga kaibigan namin.

Wala naman akong pakealam noon, kung nasasaktan sya noon ano pa ako? Nasaktan rin naman ako, triple pa ng sakit sakanya. Hindi madaling magalit sa taong mahal mo.

Yung nararamdaman ko lang ang importante sa akin. You cheated on me, you had sex with Amaryllis. Kahit ang paliwanag mo sa akin noon ay hindi mo alam kung totoong may nangyari naniwala na ako na meron at hindi na yun nagbago.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon