Fifty

3K 60 6
                                    

Wakas

Halos hindi kami makatulog kakaplano sa kung anong gagawin namin pagbalik namin ng Pilipinas.
Isa lang ang hinihingi ni Amaryllis, ang makausap si Zarette. Ibibigay namin iyon, pero hindi ako makapapayag na pupunta mag isa si Zarette doon.

We'll attach a secret camera on his shirt, may rerespondeng mga pulis isang maling galaw lang ni Amaryllis sa asawa at sa anak ko.

Dumiretso na kami agad ng bahay pagdating namin sa Pilipinas. Diretso sa pool area para pagplanuhan pa ng mabuti ang mga susunod naming hakbang.

Seventeen hours flight is horrible, gusto nang bumigay ng mata ko lalo pa't simula nang malaman namin ang sitwasyon ay hindi na kami nakatulog.

Hindi ko na namalayan pa ang sumunod na mga ganap, nagising nalang ako na magkatabi kami ni Zarette at mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin.

Sinilip ko ang orasan na nasa bed-side table at nakitang alas onse na ng gabi.

Wala akong matandaan sa mga napag-usapan ng grupo, nakakahiya naman na nakatulog ako agad.

"Hal, matulog ka pa" malat ang boses na sabi ni Zarette, nakapikit ang isang mata nya habang ang isa ay nakasilip sa akin.

Yumakap ako pabalik sa kanya at umunan sa braso nya. Tiningala ko sya at nakitang nakatitig sya sa akin.

"Tulog na tayo" Aya ko sa kanya. He planted a soft kiss on my head and closed his eyes, I did the same and drifted to sleep.

Nasa sala kami ngayong magbabarkada at mag seset-up na. Tawag nalang ni Amaryllis ang hinihintay.

Nakakapit ako sa braso ni Zarette habang sya naglalagay ng spy lapel and camera. Busy kaming lahat nang biglang tumunog ang cellphone ni Zarette. Si Amaryllis!

Humugot ng malalim na hininga si Zarette bago sagutin ang tawag.

"Nasan ang mga bata?" Kalmado pero may diin nyang sabi. Kuyom ang palad nya na para bang gustong manuntok.

"Pupunta ako. Tayong dalawa lang. Sasama ako sa isang kundisyon, kukunin ko muna ang mga bata sa'yo"

Ibinaba nya ang cellphone, akmang ihahagis pero agad kong nahawakan ang kamay nya. Tila nanghina ito at marahang humaplos, pinagsalikop ang mga daliri namin at hinalikan ang kamay ko.

Convoy kami, huminto kami sa tagong parte na malapit sa warehouse kung saan makikipagkita si Amaryllis kay Zarette.

Nakapaligid na ang mga pulis sa warehouse at para silang mga sibilyan lamang.

"Tatapusin ko na 'to ngayon" pinisil niya ang kamay ko bago ito hinalikan. Sumandal ako sa braso nya, naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.

Inalalayan nya ako at hinatid sa sasakyan nila Ryan kung saan may set up na computer kung saan kunektado ang spy cam na nakasuot kay Zarette.

"Ingat ka, I love you Zarette" yumakap sya sa akin nang mahigpit na tila ba kumukuha ng lakas at tapang, I felt that. I want him to know that I am with him throughout this mission.

Tumingkayad ako at humalik sa labi nya bago sya tumalikod. Pinigilan sya ni Prim kaya kunot noo syang hinarap nito.

"Kuya, you are her weakness. Make her bow down to you. Kaya mo syang pasunudin, kaya mo syang utuin. Just ask her and she'll surrender her self to you right away." Humawak sa kamay ni Prim si Zarette at tumango. The twin connection is too evident, matalino sila pareho.

Pumosisyon din kami sa malapit sa warehouse nang makapasok na sa loob si Zarette, tahimik lang ako at nananalangin lamang habang pinapanuod ang nasa computer.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon