Twenty

1.7K 76 13
                                    

Change...

Hihikab hikab pa ako sa mall, ayaw ko pa sana lumabas but majority wins daw kasi.

Heto ako ngayon at hila hila ni Prim sa kaliwang kamay at si Aveline sa kanan.

"Ano ba, nakakapaglakad ako" binawi ko ang kamay ko at humikab.

"Baka kasi tumakas ka eh. Okay na yun, twelve hours of sleep!"

"Naantok pa nga ako, Prim. Pero okay na, tara na nga"

"Massage! Tamang tama! Ito ang kailangan natin girls!" sabi ni Breana, nasa iisang room lang kami at naghihintay ng mga therapists.

"Hay, gusto ko to. Kelangan ko to" sabi ni Aveline ng mag umpisa na ang service.

Pumikit lang ako at inenjoy ang masahe, my body needs this. I need to de-stress.

"I feel so refreshed" sabi ni Prim, gumaan nga ang pakiramdam ko pero nadagdagan ang antok ko.

Malandi parin talaga ang kama, you can't say no to your bed. Hihi.

Tumingin tingin kami ng mga damit, make ups. Paano ay may kasama ka ba namang mga kikay.

Napabili na rin tuloy ako, lumiit ang katawan ko kaya naman maluwang na ang mga damit ko sa akin.

Nagsukat ako ng mga ilang off shoulders, rompers, crop tops at shorts.

Hindi na ako alangan mag crop tops, naachieve ko na ang abs na pinapangarap ko.

Todo kapa ako ng susi ng sasakyan, hindi ko kasi maalala kung saan ko nilagay.

"Aray!" reklamo ko, nilingon ko ang bumangga sa akin.

Hindi man lang nagsorry! Saka ang init init naka hoodie!

"Weird" bulong ko sa aking sarili, finally ay nakapa ko na din ang susi ko.

Nag korean barbecue kami, kailangan ko tuloy mag heavy work out pagkatapos nito. Kain nalang ng madami at idaan sa work out! Tama!

"Work out tayo mamaya ah?" sabi ko.

"May malapit na gym dyan, maganda doon. Let's try?" tumango naman kami sa suhestyon ni Prim.

Naagaw ang atensyon ko nang may dumaan sa labas, iyon yung lalaking nakahoodie.

Ang init init na nga sa pinas nakajacket pa. Ang weird lang talaga. Napailing nalang ako.

Busog na busog ako at feel ko talaga namang lalaki ang tyan ko sa kinain namin.

When you're with your friends hindi na talaga maiiwasan pa ang pag kain ng marami.

Magpapahinga lang kami saglit, magbibihis saka pupunta ng gym. Kailangan ko talaga iyon ngayon, ang dami kong nakain!

"Swimming muna tayo!" yaya ni Prim, tirik ang araw at masarap mag swimming.

Naging excited ang lahat at nagunahan pang tumakbo pataas sa kwarto para mag bihis.

"Ang sarap! So refreshing." si Aveline, nakaupo kami sa hagdan ng pool at doon muna nagpahinga pagkatapos ng paglalaro sa pool.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga ulap.

"Lalim nun ah, anong iniisip natin girl?" usisa ni Aveline, ngumiti lang ako at pinagpatulpy ang pagmamasid ko sa ulap.

"Wala lang. I am just exhausted."

"Kung aasikasuhin mo ang papers mo bukas syempre kelangan mong magpapirma kay Zarette"

Kahit ang pagsabi lang ng pangalan nya ay nagpapabilis na ng tibok ng puso ko.

Paano ba makakaalis kung kumakapit parin?

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon