Eleven

1.8K 65 10
                                    

Chase me...

I woke up with him holding my hand. Nang makitang gising na ako ay napangiti ito. May hawak itong puting tshirt at jogging pants

"Practice mo na? Anong oras na ba?" bumangon na ako at nagunat, umupo sya sa tabi ko at bahagyang yumakap sakin.

"It feels so right to hug you before the game" my heart swells in happiness, napayakap nalang rin ako sakanya at sininghot ang muscle tee nya.

"Go and change, my pactice starts in ten minutes."

Naiilang ako ngayon habang suot ang shirt nya, black shirt iyon na may nakasulat na "O'brien 25" sa likod.

Maraming napapatingin sa akin lalo na sa suot ko. Todo takip tuloy ako ng bag sa aking damit.

Sumenyas ng sub si Zarette ng makita ako, patakbo syang lumapit sa akin at giniya ako sa bench nila.

"Okay ba tong shirt ko? Tinitignan nila eh, hindinko yata bagay" sabi ko, he ruffled my hair and smiled at me.

"They are just checking out if my surname suits on you" nakangiti nyang sagot.

"Talaga? Bakit naman nila gagawin yun?"

"They are just jealous of you, sayo lang bagay apelyido ko" mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid, lalo na sa mga nakaupo malapit sa amin.

"Balik ka na don, play ka na" umupo lang sya sa tabi ko at uminom ng tubig.

"Mamaya kapag may nag sub" tumango lang ako sakanya.

"Ang galing galing mo talaga maglaro! Halos mapaos na ako sa sobrang intense, alam mo yun? Wala kang mintis eh, bawat punta sayo ng bola napapalo mo agad"

Natawa nalang sya bago ako pinagbuksan ng pinto. Ikinabit nya ang seatbelt ko at umikot sa drivers seat pagkatapos.

"Kelan ang game nyo?" tanong ko habang nasa byahe kami.

"A week after the prom, pero basketball game yun" sagot nya habang pinipisil ang kamay ko. Medyo basa pa ang buhok nya mula sa pawis nagpalit lang kasi sya ng tshirt at di na nagpunta pa sa shower room.

Inilabas ko ang panyo ko at marahang pinunasan ang buhok nyang basa ng pawis, medyo iniwas ko rin ang aircon sa direksyon nya pansamantala.

Hinuli nya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Thank you" pasasalamat nya. "You can kiss me instead" and he winked at me. Kinurot ko lang ang pisngi nya at inirapan sya.

"What? Pagod ako, syempre energy booster" natatawa nyang sabi.

"Tsansing ka masyado" humalakhak sya at pinisik ang kamay ko.

"Tsansing? Pang pangit lang yun"

"So pag gwapo thankful pa ako?" tumango naman sya at humalakhak. "Conceited ka masyado!" sabay hampas ko sakanya.

Huminto na kami sa tapat ng aming gate, hinarap nya ako at pinaliguwn ng maliliit na halik ang kamay ko. All of the butterflies in my stomach break loose.

"I should talk to your mom, to ask her permission" kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Para saan ang permission? Para sabihing liligawan nya ako? Seryoso na talaga sya? Sakin?

"Seryoso ka na ba? I mean... Ako talaga?" he scooted towards me, inayos ang mga takas na buhok ko at inipit iyon sa tenga ko.

"Do you think I will waste my time pursuing you if I'm not serious? You know I won't." lumunok ako at huminga ng malalim.

"Alam ko naman, pero kasi I need assurance. Para sigurado lang, I don't want to be played around" hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"I can give you that assurance, do you want to get married then?" his eyes speaks volumes of emotion.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon