Thirty Three

1.8K 57 2
                                    

"How was it?" he asked as he wrapped around his arms around me.

"Great. I somehow felt healed" inikot nya ako at hinarap sa kanya

"Ano ba pinagusapan nyo?"

"Ikaw, ako. Tayo. Advices that I need to hear."

"Hindi ko alam na kakausapin ka ni Mommy" he's swaying our bodies to the rhythm of Perfect by Ed Sheeran.

"I don't deserve this darlin' you look perfect tonight" he whispered to my ear while rubbing my back.

"Zarette nakatingin silang lahat sa atin" nahihiya kong sabi.

"Let them stare hal, let's forget about the world for a while" I closed my eyes and pressed my head on his chest. I can feel and hear his heartbeats this way.

"Mahal na mahal kita Madox" It feels so right to hear those words. Parang walang bahid sakit, wala na yung dating pait.

And my heart beats so peacefully, as if telling him "Mahal na mahal rin kita"


"Zarette eto? Gusto mo ba to?" pinakita ko sakanya ang suit na napili ko para sa kanya sa birthday nila ni Prim. He's turning twenty one this year!

"Okay na yan hal." kinuha nya ang suit at tinapat sa katawan nya saka sumilip sa salamin.

"Neck tie or bow tie?" sumilip ako sa lalagyan para pumili.

"Bow tie" simple nyang sagot. Naghanap naman ako ng babagay na bow tie para sa suit nya

"Do you have something to wear na hal?"

"Sabi nila Prim sila na bibili since they're my stylist."

"I don't trust them with those kinds of stuffs. They will make you wear sexy dress for sure" nakanguso nyang sabi.

"They won't ano ka ba. Just trust them okay?"

Tumango lang sya at sinandal ang kamay sa balikat ko. Kita mo to, ano ako? Sandalan? Hays.

"Hal, ano sa tingin mo? I want to organize a party for a kids foundation. Two days before my birthday"

"Talaga?" Na-excite ako sa sinabi nya lalo na at mahilig ako sa mga bata.

"Yes. Gusto mo sumama?"

"Of course! I would love to!" sa sobrang excitement ko pinapanalangin ko na sana wednesday na!!

Today is the day! I am so excited, ngayon kami magpapaparty with the kids from a child foundation. Sila yung mga may bata na nakatira sa iisang foundation dahil una wala silang mga magulang, pangalawa mga pinaampon ng magulang or pangatlo yung mga batang pagala gala nalang sa kalsada.

Hindi naman sya malaking party, simpleng party lang for the kids na sure na sure akong maeenjoy nila.

Convoy nalang kami ni Zarette since sasama rin sila Prim at sila Kiko.

Pagkatapos kong mag ayos kinuha ko na ang mga loot bags na para sa mga bata at ang aking sling bag. Nasa baba na sila Zarette at naglalaro ng ps4.

"Tara na" aya ko habang pababa ng hagdan. Agad namang tumayo si Zarette at pinatong sa lamesa ang controller. Sumunod ding tumayo sila Kiko, Ely, at Ryan.

"Girls, tara na" sigaw ko pagkadungaw ko sa kusina.

"Okay, coming"

"Where's your car keys?" sabay halik sa akin ni Zarette sa pisngi. "Car keys not car and kiss" sabi ko pagkatapos harangan ang bibig ko.

Inabot nya ang susi ko at humalik ulit sa pisngi ko saka sya tumawa ng malakas.

"I love you" he winked at me bago tumakbo palabas, napailing nalang ako habang nakangiti.

"Anong ginagawa mo dyan? Diba convoy tayo?" nakasakay na sya sa kotse ko at nasa driver's seat pa.

"Mapapagod ka sa byahe, so I'll drive"

"Are you serious mal? Kalapit lapit lang" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat habang tinutulak ako bahagya papunta sa passenger's seat.

"Yes hal, let me drive" inilagay nya ang seat belt at hinalikan ako sa noo nang akmang papalag ako.

He jogged his way to the driver's seat, pagkasakay ay kinabit rin ang seat belt at sinindi ang makina.

"Wait lang, yung kapatid mo pa"

Sya namang labas ng service van nila na mukhang puno na, Ely was the one driving habang nasa tabi nya naman si Kiko. Nakita ko rin sa likod sila Prim na kumakaway.

Nag businahan sila bago diretsong tinahak nila Ely ang daan papunta sa venue. Naisahan na naman ako ni Zarette!!

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon