Four

1.9K 75 7
                                    

Goodnight..

"I texted Prim, she would follow us after her practice. Let's go" aniya saka hinila ang kamay, para bang sumipa bigla ang puso ko.

"Saan?" I asked.

"Home" mas lalong naghurumentado ang pagpintig ng puso ko ng dumampi ang mainit nyang kamay sa kamay ko, it's unexplainable.

Yung para bang alam mong ligtas ka, payapa. Habang naglalakad ay hindi ko maialis ang tingin ko sa aming mga kamay.

My hand fits his hand perfectly.

Ay teka, bakit ba ako nagiisip ng ganito? Bakit ko ba nararamdaman ito? Dahil ba crush ko sya?

Oh well, tama naman iyon. I should not be assuming things.

"Chairman, wala po akong damit. Saka yung gym bag ko nasa bahay pa" sambit ko habang papuntankami sa parking lot kung asan nakapark ang sasakyan nya.

"Dadaanan. And drop the Chairman, it's just the two of us here. No need for that" tumango lamang ako.

I blushed when he opened the door for me.

"A-ako ko na... Zarette" baka maheart attack ako sa sobrang lapit nya, ikakabit nya sana ang seatbelt ko.

He smells heavenly, tamang bango lamang pero iyong nakakaadik na bango.

Namayani ang katahimikan habang nagmamaneho sya, ako nagmamasid lang. Ang cool ng kotse nya, kasing cool nya. It's a matte black corvette. It suited his personality.

Nakasandal ang isang kamay nya sa pinto at hawak ang labi nya habang ang isang kamay ay nasa manibela.

Madaldal akong tao pero sa mga ganitong sitwasyon ay parang gusto ko lang tumahimik. Ayaw kasi ni Chairman ng madaldal o maingay.

Hanggang sa nakarating na kami sa bahay, bumaba na ako saka tumakbo sa loob.

Alam kong ayaw ni Chairman sa mabagal kaya binilisan ko nalang. Mabuti nalang kagabi ay prinipare ko na ang aking gym bag kaya pagkatapos kong magpalit ng shoes ay kinuha ko nalang sa gilid ang aking bag at bumaba.

"Why are you running?" Naabutan ko sya sa sala at prenteng nakaupo, nasa harap nya ang isang baso ng tubig.

Mahilig sya sa tubig, hindi ko pa sya nakikitang uminom ng soda o juice.

"Ah, kasi baka ayaw mong naghihintay?"

"Who told you that? I am willing to wait, but since you're here already then let's go" tumayo na sya at inabot ang hawak kong bag

"Akin na, ako na Zarette"

"I can so I will" hindi ko mabilang kung ilang beses pa akong tumikhim bago binitawan ang bag.

"Tss" yun ang narinig ko sakanya bago sya nagmartsa palabas ng bahay.

"Tita, ihahatid ko nalang ho ang anak nyo mamaya. If possible sa amin na ho sana sya magdinner, tita."

"Okay Zarette, just please be the one to send her home" hinawakan ni mommy ang braso nya at ngumiti sa kasama ko, tumango lamang si Zarette at ngumisi pabalik.

Nilingon nya ako habang ng nakakunot noo, kaya sumunod na ako pagkatapos kong bumeso kay mommy.

"My, una na po kami" she waved at me goodbye bago ako tumalikod at lumakad papasok ng bahay.

Nilagay niya ang bag ko sa likod, pagbubuksan ko na sana ng pinto ang sarili ko pero ng mahawakan ko ang handle ay siya ring hawak ni Zarette.

His hand on my hand gave me this unexplainable feeling again whenever he touches my hand.

Iniwas ko ang tingin ko at inalis na rin ang kamay ko para sya na ang magbukas, pigil ang hininga ko ng ayusin nya at ilagay ang aking seatbelt.

"Chairman, I can do this. You don't have to do this" sabi ko sakanya habang nilalagay nya ang seatbelt ko.

Hindi ko alam kung narinig nya iyon dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi ko, tensyonado ako lalo na ngayong sobrang lapit ng mukha nya sa akin.

I can see how brown his eyes are and how his facial muscle moved when he clenched his jaw.

"I can so I will, do I have to remind you that always? I need to take care of you dahil ipinagkatiwala ka sa akin ni Tita." Sinarado nya ang pinto at lumapit na sa side ng driver's seat.

Napabuga ako ng hininga habang nasa labas pa sya, hay Xochitl mark this date alright? Ang swerte mo sa araw na ito. Hehe

"Chairman" tawag ko sakanya, pero hindi nya ako pinansin. Focus lamang sya sa daan, hindi ko rin makita ang mata nya dahil nakasunglasses sya.

"Zarette"

"Why?" Napatingin ako sakanya ng sumagot sya, lumingon rin sya sakin lalo na ng tumigil kami dahil pumula ang traffic light. "Uhm, anong ginawa nila sa girlfriend mo? Bakit mo sinuspinde yung mga kaklase ko?"

"I don't have a girlfriend" he said, matter of factly. Umabante na ang sasakyan at lumiko papunta sa isang pribadong village.

Namamangha parin ako tuwing andidito ako sa bahay nila.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon