"Ihahatid ko muna si Ave sa bahay nila para makapag ayos, pupuntahan ko si Ryan mamaya" sumaludo sya kay Zarette bago sila umalis.
And now its just the two of us.
"Kumain ka na. Galing yata yan doon sa restaurant ng favorite chef mo, taray chef."
Tumayo na sya at hinanda ang pagkain nya, hinila nya ulit ang upuan at humarap sa akin.
"Bakit sakin? Ikaw kakain" sabi ko nang unang kutsara palang ay ako na susubo. He just smiled at me kaya sinubo ko na ang pagkain nya.
Korean barbecue at lasagna ang pagkain nya. Nakakagutom!
Nag hati kami sa food nya hanggang sa maubos, busog na busog na ako pero pilit nya paring pinapakain sa akin kanina yung natira.
Nasa banyo kami ngayon nag...to-toothbrush.Mabuti nalang may provided ang hospital na dalawang matinong tooth brush.
Todo alalay rin sya sa akin pagbalik sa higaan. Inayos nya rin ang unat at kumot pagkahiga ko.Pumasok ulit sya sa banyo dala dala ang pagpapalitan nya at iba pang toiletries.
"Pahiram phone ah?"
"Yes, hal." aniya bago pumasok sa banyo.
Puro picture ko parin ang wallpaper at lockscreen nya, nadagdagan rin ang photos ko sa kanyang gallery.
Marami syang unread messages, karamihan ay kay Amaryllis kaya iyon ang binuksan ko.
From: Amaryllis Contreras
Chairman.
Chairman, lunch tayo?:)
Chairman I sent you the file already. Wag masyado magpapastress.
Chairman, please text back.
Chairman, wala na sya. Ako yung nandito.
Naginit ang ulo kp habang nagsscroll ng text nya. Ang hali! Haliparot!
From: Amaryllis Contreras
I miss your kisses already, chairman.
Hindi mo ba ako namimiss? Lagi nalang ba sya hinahanap mo? Andito ako. Iniwan ka na nya
Let's meet. Kahit lunch lang.
Bakit mo ako pinalipat sa department office? Im your secretary!
I heard you're going abroad. Susundan mo sya? Pathetic. Ang pathetic lang!
She's back. But I am much better.I'll get you by hook or by crook.
Let's meet up, I miss you.
Iyon ang huli nyang text at kanina lamang iyon. Naginit ang ulo ko sa inis. Nag browse pa ako ng mga text mula sa kung sino sino.Mga unknown numbers na batid ko ay galing sa mga babae, hindi nya naman nirereplyan ang nga ito kaya kahit papaano ay napanatag ako.
Nag open ako ng apps nya, may games naman sya puro paid apps pa! Ako nga todo effort maghanap ng apps na libre at maganda.
Hanggang sa naisip ko nalang mag soundtrip at makinig sa mga kanta sa spotify nya habang hinihintay syang lumabas."Bakit ka pa bumalik? Dapat hindi na, ginugulo mo lang kami ni Chairman"
Napakagat ako sa aking labi nang biglang mag flash iyon sa utak ko.Imposible namang alam nya na may kung ano sa water bottle na yun. It's sealed and I'm sure na sealed iyon. Baka aksidente lang na may naihalo doon.
"Hal. Okay ka lang?" sabay tapik nya sa akin, hindi ko na namalayang nasa gilid ko na sya at pinapatuyo ang kanyang buhok.
"I'm okay. Nag space out lang ako, may naalala lang" umupo sya sa gilid ng kama ko at sinampay sa upuan nya kanina ang kanyang basang twalya.He held my hand and kissed my forehead, my cheeks and the tip of my nose. Pababa na ang halik.nya sa labi ko at nabibingi na ako sa.lakas ng pintig ng puso ko.
Halos atakehin ako sa puso nang magbukas sara ang pinto ng kwarto, bahagya ko syang naitulak at sakto namang pasok ng mga kaibigan namin.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Prim, umabante rin sila Breana at Aveline. Um-oo ako at ngumiti sakanila.
"Dyan kami sa may sala matutulog, matulog na rin kayo"
"Oo nga, hindi yung nag cacatch up pa kayong dalawa ahihihi" tukso ni Bree, ngumisi lang si Zarette habang ako nag taas ng kilay.
"Kung makahawak parang mawawala ah" tukso rin ni Kiko, magkahawak kamay kasi kaming dalawa.
"Just go and rest, istorbo" he chuckled while shooing them away. Natawa nalang ang mga kaibigan namin habang papunta sa may pagtutulugan nila.
"Now back to our business, my baby." he uttered, hindi pa ako nakakaget over sa kilig ng pa "my baby" nya ay lumapat na ang labi nya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...